Nakatakdang idaos ang susunod na Dota 2 Major ng DPC 2021-2022 season mula ika-11 hanggang ika-21 ng Mayo.

Ayon iyan sa inilahad ng general manager ng Epic Esports Events na si Mark Averbukh sa pamamagitan ng isang tweet.

Bagamat hindi pa ito kumpirmado ng Valve, ang estimated schedule na inilabas ng European esports organization na Alliance noong Oktubre 2021 patungkol sa DPC 2021-2022 schedule, kabilang na dito ang susunod na Dota 2 Major, ay sinusuportahan ang kamakailang pahayag ni Averbukh.


Papatakbuhin kaya ng Epic Esports Events ang susunod na Dota 2 Major?

Credit: EPICENTER

Si Mark Averbukh ay affiliated sa Epic Esports Events na nagpapatakbo ng matagumpay na EPICENTER tournaments. Kabilang din sa kanyang tweet ang schedule ng susunod na CS:GO Major na iho-host ng PGL mula ika-9 hanggang ika-22 ng Mayo.

‘Di pa kinukumpirma ng Epic Esports Events kung talaga nga bang nakaugnay ito sa susunod na Dota 2 Major. Ang kompanyang ito rin ang nagpapatakbo ng DPC Eastern Europe Regional League at kasalukuyang idinaraos ang Winline Dota 2 Champions League (D2CL) Season 7.

Ang tsansa na sila ang mag-host ng susunod na Dota 2 Major ay tila mababa rin kung pareho pa rin ang trend mula noong nakaraang taon kung saan ang mga external tournament organizers ay hindi nakaugnay sa mga Regional Leagues. Ang ONE Esports ang nagpatakbo ng Singapore Major habang WePlay Esports naman ang nag-organize ng AniMajor na ginanap sa Kiev, Ukraine.

Credit: ONE Esports

Ano’t-ano pa man, hiling ng lahat na sana ay matuloy na ang susunod na Dota 2 Major at hindi ito matulad sa nakaraang edisyon nito.

Noong ika-12 ng Enero, kinansela ng Valve ang Winter Major dahil sa kahirapang magdaos ng isang LAN tournament dulot ng mas pinahigpit na travel restrictions sa iba’t-ibang parte ng mundo sanhi ng mga lumalabas na panibagong strain ng COVID-19, kabilang na rito ang Omicron variant.

Nabigla ang lahat sa desisyong ito ng Valve at ang mga inisyal na kakulangan sa detalye, tulad ng kung saan mapupunta ang US$500,00 prize pool ng torneo, ay nagsanhi ng dismaya at galit mula sa pro players at Dota 2 community sa kabuuan.

Gumawa naman ng backup plan ang Valve at ipinatupad ang Winter Regional Finals kung saan magsasagupaan ang top four teams ng bawat region at maglalaro sa isang double elimination bracket para sa lion’s share ng US$100,000 prize pool at 380 DPC points.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita patungkol sa gaganaping DPC Regional Finals ngayong buwan.


Hango ito sa akda ni Dexter Guan Hao ng ONE Esports.