Ikinagulat ng karamihan ang biglaang pagkansela ng Valve sa unang Major ng Dota Pro Circuit (DPC) 2021-2022 dahil umano sa humihigpit na travel restrictions sanhi ng mga lumilitaw na strain ng COVID-19, kabilang na rito ang Omicron at Delta variants.

Ikinadismaya ng Dota 2 pro players at iba pang bahagi ng community tulad ng mga talent at fans ang pamamahala ng Valve sa sitwasyon. Walang ibang nakakaalam bukod sa Valve tungkol sa paparating na kanselasyon ng Winter Major.

Nasira ang potensyal ng mga koponang tulad ng Quincy Crew, BOOM Esports, Team Tickels, Royal Never Up at Thunder Predator na makapasok sa isang Major sa unang pagkakataon kaya naman ipinahayag nila ang kanilang saloobin online.


Ipinakita ng Dota 2 pro players ang kanilang pagkadismaya matapos ang biglaang kanselasyon ng Winter Major

Isa si Quinn sa Dota 2 pro players na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kanselasyon ng Winter Major
Credit: Valve

Reaksyon ng mga miyembro ng Quincy Crew

Ilan sa mga naunang umalma ang mga miyembro ng Quincy Crew. Kasi nga naman, ilang oras pa lang matapos ang pagselyo nila sa Major spot ay dumating ang anunsyo ng Valve. Ang isa sanang masayang pagdiriwang ay nauwi sa matinding kalungkutan.

Isa si Quinn “Quinn” Callahan sa mga unang Dota 2 pro players na nagsalita ukol sa masamang balita at inilabas niya ang kanyang saloobin sa isang Twitch stream na tumagal nang tatlong oras.

Sinabi naman ni captain-offlaner Maurice “KheZu” Gutmann na pinapakita ng mga aksyon ng Valve kung gaano kaliit ang malasakit nila sa pro scene.

Inihayag niya rin na, “Valve openly think that pro players/pro/teams/orgs don’t add any value to their product (Iniisip ng Valve na ang mga pro player/teams/orgs ay hindi nagdadagdag ng halaga sa kanilang produkto).”

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

Pinagtuunan naman ng pansin ni carry Yawar “YawaR” Hassan ang haba ng DPC season, isang karaniwang reklamo sa panibagong Regional League System na ipinatupad noong nakaraang taon. Sinabi niya na maaari pang mangyari ang Winter Major kung aayusin ng mga opisyal ang DPC system.

Kalungkutan naman naramdaman ni Remus “ponlo” Goh Zhi Xian. Kinailangan ng Quincy Crew na maglabas ng pera mula sa kanilang sariling bulsa para makapunta siya sa Amerika. Kahit na maipanalo pa nila ang Regional League, sinabi ni ponlo na kikita lang siya ng US$2,000 (PHP 102K) sa kabuuan ng season.

Sinabi naman ng manager naman ng koponan na si Jack “KBBQ” Chen” na ang anunsyo ng Valve ay nangangahulugan na walang saysay ang Tour 1.

Ibinuod ng meme ni Zai ng Team Liquid ang reaksyon ng lahat

Nasa tuktok ng DPC Western Europe Division 1 hawak ang 5-1 record nito at napipisil nang makuha ang playoffs seed sa Winter Major. Pero matapos ang ilabas ang balita, naglaho ito at napa-tweet na lang isang swak na meme ang offlaner na si Ludwig “zai” Wahlberg.

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

Ani naman ng coach na si William “Blitz” Lee, walang silbi ang pagiging first sa competitive EU region.

Reaksyon nila BOOM at Seleri ng Team Tickles

Puno sana ng Major first-timers ang Team Tickles, isang unsponsored stack na bumibida ngayon sa DPC WEU tangan ang kanilang 4-1 record at kamakailan ay pinaluhod ang Natus Vincere para magwagi sa Dota 2 Champions League Season 6. Sa kasamaang palad, naputol ang kanilang paglalakbay patungo sa Winter Major.

Napagtanto ni midlaner Miroslav “BOOM” Bičan na ang paglaan ng kanyang kabataan sa Dota 2 pro scene ang marahil na pinakamalalang desisyon na ginawa niya sa buhay.

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

Tila mas tanggap naman ni hard support Melchior “Seleri” Hillenkamp ang sitwasyon. Tanggap man o hindi ang desisyon ng Valve, hinimok niya ang mga tao na magsalita pa rin pero pinaalala na ‘wag na hayaang masaktan pa lalo ang sarili.

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

Hinikayat ni SumaiL ang kapwa niya Dota 2 pro players na umaksyon

Nanawagan naman si Team Secret midlaner Sumail “SumaiL” Hassan sa mga koponan na i-boycott ang ikalawang season ng DPC at hiling niya na magresulta ito sa mas maiging komunikasyon o mamamatay ang Dota kung hindi ito mangyayari.

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

Nagsalita rin tungkol sa isyu ang ilang talents, kabilang na rito si Jake “SirActionSlacks” Kanner na sinabing ito-throw niya ang unang Major. Ang iba pang talents tulad nila Owen “ODPixel” Davies, Austin “Cap” Walsh, Michelle “Moxxi” Song at Jonathan “PimpmuckL” Liebig ay nakisimpatiya sa mga Dota 2 pro players.

Hindi maganda ang kasaysayan Valve, pero pwede naman itong mapabuti

Agad na sinuportahan ng komunidad ang Dota 2 pro players at hinimok ang Valve na magkaroon ng mas mabuting komunikasyon. Binanggit ng Valve sa anunsyo nito na ikakalat nila ang DPC points mula sa Major pero walang nabanggit tungkol sa US$500,000 prize pool na maaaring makatulong sa mga kasali sanang koponan.

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

May dati nang record ang kakulangan ng komunikasyon mula sa Valve. At bagamat may pandemic, nakakalungkot makita na tila hindi pinapahalagahan ang mga Dota 2 pro players na binuhos ang kaninang buhay sa laro. Para sa mga fans, masakit makita na masaktan nang ganito ang mga pro na inaaliw tayo, lalo na’t ang ibang kompanya at esports titles ay sinusubukan ang kanilang makakaya para makapagdaos ng mga torneo.

Kahit papaano, naglabas ang Valve ng paumanhin at paliwanag ang Valve (bagamat hindi sa kanilang opisyal na channel) sa mga manlalaro at koponan. Pinakita ito ni Team Secret manager Matthew “Cyborgmatt” Bailey sa kanyang Twitter account kung saan nangako ang Valve na mas pagbubutihin nila ang pakikipag-usap sa mga pro players. May plano din sila na magdaos ng isang LAN tournament, ngunit wala pang naitataga sa bato.

Isa itong maliit na hakbang na ginawa ng Valve. Marami pang dapat trabahuhin ang developers ng laro. At sana sa huli ay magkaroon ito ng magandang resulta para sa Dota 2 community.


Hango ito sa orihinal na artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.