Ang DPC CN Regional Finals ang huling kompetisyon na lalahukan ng top four teams sa naganap na Dota Pro Circuit Tour 1 China Division 1.
Nakataya rito ang karagdagang US$100,000 (mahigit P5 milyon) na prize pool at 380 DPC points.
Pinangibabawan ng PSG.LGD ang nagdaang paligsahan matapos magtala ng perpektong 7-0 record. Nagtapos naman sa ikalawang puwesto ang Team Aster, habang nauwi naman sa ikatlong puwest ang kampanya ng Royal Never Give Up, matapos parehong magtala ng 5-2 record.
Kinumpleto naman ng EHOME ang listahan ng mga kalahok sa DPC CN Regional Finals matapos ang kanilang fourth-place finish at 4-3 record.
Ano ang DPC CN Regional Finals?

Ginulat ng Valve ang mundo ng Dota 2 nang biglang inanunsyo nito ang kanselasyon ng Winter Major dahil sa mas pinahigpit na travel restrictions sa iba’t-ibang parte ng mundo dulot ng mga lumalabas na panibagong strain ng COVID-19, kabilang na rito ang Omicron variant.
Bilang pamalit, inilunsad ng Valve ang Winter Regional Finals sa anim na DPC regions kabilang na ang China.
Schedule at resulta ng DPC CN Regional Finals

Ang turneo ay gaganapin mula sa ika-18 hanggang ika-20 ng Pebrero.
Ang oras ng mga laban sa ibaba ay nakabase sa GMT+8 na time zone.
February 18
Upper Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| PSG.LGD | 2 – 1 | EHOME |
| Team Aster | 1 – 2 | Royal Never Give Up |
February 19
Lower Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| EHOME | 1 – 2 | Team Aster |
Upper Bracket Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| PSG.LGD | 2 – 0 | Royal Never Give Up |
February 20
Lower Bracket Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Royal Never Give Up | 2 – 0 | Team Aster |
Grand Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| PSG.LGD | 3 – 1 | Royal Never Give Up |
Format ng DPC CN Regional Finals

Magsasalpukan ang top four teams sa best-of-three matches sa ilalim ng double elimination format.
Ang Grand Final ay nakatakdang paglabanan sa isang best-of-five series.
Mga koponang kasali sa DPC CN Regional Finals
| DPC CN TOUR 1 DIVISION 1 STANDINGS | KOPONAN |
| 1st | PSG.LGD |
| 2nd | Team Aster |
| 3rd | Royal Never Give Up |
| 4th | EHOME |
Prize at DPC point pool ng DPC CN Regional Finals

Nakataya sa DPC CN Regional Finals ang kabuuang prize pool na US$100,000 (mahigit P5 milyon) kasama pa ang sumatotal na 380 DPC points na kinakailangan para makakuha ng direct invite sa The International.
| PLACE | KOPONAN | DPC POINTS | PRIZE MONEY |
| 1st | PSG.LGD | 250 | US$50,000 |
| 2nd | Royal Never Give Up | 130 | US$25,000 |
| 3rd | Team Aster | 0 | US$15,000 |
| 4th | EHOME | 0 | US$10,000 |
Saan mapapanood ang DPC CN Regional Finals

Mapapanood ang DPC CN Regional Finals sa opisyal na opisyal na YouTube at Twitch channels ng Perfect World.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga karagdagang balita at istorya patungkol sa DPC Regional Finals sa iba’t-ibang rehiyon.
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.