Ang DPC EEU Regional Finals ang huling kompetisyon na lalahukan ng top four teams sa naganap na Dota Pro Circuit Eastern Europe Tour 1 Division 1. Nakataya rito ang karagdagang US$100,000 (mahigit P5 milyon) na prize pool at 380 DPC points.
Dinomina ng kasalukuyang may hawak ng Aegis of the Immortal na Team Spirit ang unang Tour ng DPC EEU. Tinapos nila ang kampanya nang hindi nababahiran ng pagkatalo ang kanilang malinis na 7-0 record.
Kinumpleto naman ng PuckChamp (6-1 record), Virtus.pro (4-3 record), at HellRaisers (4-3 record) ang listahan ng mga koponang lalahok sa nasabing regional finals.
Ano ang DPC EEU Regional Finals?

Ginulat ng Valve ang mundo ng Dota 2 nang biglang inanunsyo nito ang kanselasyon ng Winter Major dahil sa mas pinahigpit na travel restrictions sa iba’t-ibang parte ng mundo dulot ng mga lumalabas na panibagong strain ng COVID-19, kabilang na rito ang Omicron variant.
Bilang pamalit, inilunsad ng Valve ang Winter Regional Finals sa anim na DPC regions kabilang na ang North America.
Schedule at resulta ng DPC EEU Regional Finals

Ang turneo ay gaganapin mula sa ika-18 hanggang ika-20 ng Pebrero.
Ang oras ng mga laban sa ibaba ay nakabase sa GMT+8 na time zone.
February 18
Upper Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Team Spirit | 1 – 2 | HellRaisers |
February 19
Upper Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| PuckChamp | 0 – 2 | Virtus.pro |
Lower Bracket Round 1
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Team Spirit | 2 – 0 | PuckChamp |
February 20
Upper Bracket Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| HellRaisers | 1 – 2 | Virtus.pro |
Lower Bracket Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| HellRaisers | 0 – 2 | Team Spirit |
Pebrero 21
Grand Final
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Virtus.pro | 0 – 3 | Team Spirit |
(I-a-update pa.)
Format ng DPC EEU Regional Finals

Magsasalpukan ang top four teams sa best-of-three matches sa ilalim ng double elimination format.
Ang grand final ay nakatakdang paglabanan sa isang best-of-five series.
Mga koponang kasali sa DPC EEU Regional Finals
| DPC EEU TOUR 1 DIVISION 1 STANDINGS | KOPONAN |
| 1st | Team Spirit |
| 2nd | PuckChamp |
| 3rd | Virtus.pro |
| 4th | HellRaisers |
Prize at DPC point pool ng DPC EEU Regional Finals

Nakataya sa DPC EEU Regional Finals ang kabuuang prize pool na US$100,000 (mahigit P5 milyon) kasama pa ang sumatotal na 380 DPC points na kinakailangan para makakuha ng direct invite sa The International.
| PLACE | KOPONAN | DPC POINTS | PRIZE MONEY |
| 1st | Team Spirit | 250 | US$50,000 |
| 2nd | Virtus.pro | 130 | US$25,000 |
| 3rd | HellRaisers | 0 | US$15,000 |
| 4th | PuckChamp | 0 | US$10,000 |
Saan mapapanood ang DPC EEU Regional Finals

Mapapanood ang DPC EEU Regional Finals sa opisyal na opisyal na Twitch channel ng Beyond the Summit.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga karagdagang balita at istorya patungkol sa DPC Regional Finals sa iba’t-ibang rehiyon.
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.