Ang DPC NA Regional Finals ang huling kompetisyon na lalahukan ng top four teams sa naganap na Dota Pro Circuit North America Tour 1 Division 1. Nakataya rito ang karagdagang US$100,000 (mahigit P5 milyon) na prize pool at 380 DPC points.
Pinangibabawan ng Quincy Crew ang DPC NA Tour 1 Division 1 sa kabila ng pagpapalit nila ng tatlong miyembro matapos ang The International 10. Tinapos nila ang kanilang kampanya sa nasabign turneo na may 6-1 record.
Kinumpleto naman ng TSM FTX (na dating kilala bilang Team Undying), Evil Geniuses, at 4Zoomers ang top four.
Ano ang DPC NA Regional Finals?
Ginulat ng Valve ang mundo ng Dota 2 nang biglang inanunsyo nito ang kanselasyon ng Winter Major dahil sa mas pinahigpit na travel restrictions sa iba’t-ibang parte ng mundo dulot ng mga lumalabas na panibagong strain ng COVID-19, kabilang na rito ang Omicron variant.
Bilang pamalit, inilunsad ng Valve ang Winter Regional Finals sa anim na DPC regions kabilang na ang North America.
Schedule at resulta ng DPC NA Regional Finals
Ang turneo ay gaganapin mula sa ika-18 hanggang ika-20 ng Pebrero.
Ang oras ng mga laban sa ibaba ay nakabase sa GMT+8 na time zone.
Pebrero 19
Upper Bracket Round 1
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Quincy Crew | 2 – 0 | 4Zoomers |
TSM FTX | 2 – 0 | Evil Geniuses |
Pebrero 20
Lower Bracket Round 1
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
4Zoomers | 0 – 2 | Evil Geniuses |
Upper Bracket Final
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Quincy Crew | 1 – 2 | TSM FTX |
Pebrero 21
Lower Bracket Final
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Quincy Crew | 1 – 2 | Evil Geniuses |
Grand Final
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
TSM FTX | 3 – 2 | Evil Geniuses |
(I-a-update pa.)
Format ng DPC NA Regional Finals
Magsasalpukan ang top four teams sa best-of-three matches sa ilalim ng double elimination format.
Ang Grand Final ay nakatakdang paglabanan sa isang best-of-five series.
Mga koponang kasali sa DPC NA Regional Finals
DPC NA TOUR 1 DIVISION 1 STANDINGS | KOPONAN |
1st | Quincy Crew |
2nd | TSM FTX |
3rd | Evil Geniuses |
4th | 4Zoomers |
Prize at DPC point pool ng DPC NA Regional Finals
Nakataya sa DPC NA Regional Finals ang kabuuang prize pool na US$100,000 (mahigit P5 milyon) kasama pa ang sumatotal na 380 DPC points na kinakailangan para makakuha ng direct invite sa The International.
PLACE | KOPONAN | DPC POINTS | PRIZE MONEY |
1st | TSM FTX | 250 | US$50,000 |
2nd | Evil Geniuses | 130 | US$25,000 |
3rd | Quincy Crew | 0 | US$15,000 |
4th | 4Zoomers | 0 | US$10,000 |
Saan mapapanood ang DPC NA Regional Finals
Mapapanood ang DPC NA Regional Finals sa opisyal na opisyal na Twitch channel ng ESL.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga karagdagang balita at istorya patungkol sa DPC Regional Finals sa iba’t-ibang rehiyon.
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.