Ang DPC SEA Regional Finals ang huling kompetisyon na lalahukan ng top four teams sa naganap na Dota Pro Circuit Tour 1 Southeast Asia Division 1.

Nakataya rito ang karagdagang US$100,000 (mahigit P5 milyon) prize pool at 380 DPC points.

Bagamat hindi inaasahang umakyat sa Division 1 matapos ang pagka-ban ng Omega Esports, pinatunayan ng BOOM Esports na sila ang hari ng SEA Dota nang tumikada sila ng 6-1 series win-loss record sa loob ng anim na linggong sagupaan sa liga.

Sumunod sa BOOM ang Fnatic, T1 at Team SMG na may pare-parehong 5-2 records at sumabak sila sa isang serye ng tiebreakers para malaman ang kanilang huling standings at seeds sa darating na Regional Finals.


Ano ang DPC SEA Regional Finals?

DPC SEA Regional Finals
Credit: Beyond The Summit

Ginulat ng Valve ang mundo ng Dota 2 nang biglang inanunsyo nito ang kanselasyon ng Winter Major dahil sa mas pinahigpit na travel restrictions sa iba’t-ibang parte ng mundo dulot ng mga lumalabas na panibagong strain ng COVID-19, kabilang na rito ang Omicron variant.

Bilang pamalit, inilunsad ng Valve ang Winter Regional Finals sa anim na DPC regions kabilang na ang Southeast Asia.


Schedule at mga resulta sa DPC SEA Regional Finals

Credit: BOOM Esports

Ang torneo ay gaganapin mula sa ika-11 hanggang ika-13 ng Pebrero.

Ang oras ng mga laban sa ibaba ay nakabase sa GMT+8 na time zone.

February 11

Upper Bracket Round 1

KOPONANRESULTA KOPONAN
BOOM Esports2-0Team SMG
Fnatic1-2T1

February 12

Lower Bracket Round 1

KOPONAN RESULTA KOPONAN
Fnatic0-2Team SMG

Upper Bracket Final

KOPONAN RESULTA KOPONAN
BOOM Esports1-2T1

February 13

Lower Bracket Final

KOPONAN RESULTA KOPONAN
BOOM Esports2-1Team SMG

Grand Final

KOPONAN RESULTA KOPONAN
T11-3BOOM Esports

Format ng DPC SEA Regional Finals

Credit: Fnatic

Magsasalpukan ang top four teams sa best-of-three matches sa ilalim ng double elimination format.

Ang Grand Final ay nakatakdang paglabanan sa isang best-of-five series.


Mga koponang kasali sa DPC SEA Regional Finals

DPC SEA TOUR 1 DIVISION 1 STANDINGSKOPONAN
1stBOOM Esports
2ndFnatic
3rdT1
4thTeam SMG

Prize at DPC point pool ng DPC SEA Regional Finals

Credit: T1

Nakataya sa DPC SEA Regional Finals ang kabuuang prize pool na US$100,000 (mahigit P5 milyon) kasama pa ang sumatotal na 380 DPC points na kinakailangan para makakuha ng direct invite sa The International.

PLACEKOPONANDPC POINTSPRIZE MONEY
1stBOOM Esports250US$50,000
2ndT1130US$25,000
3rdTeam SMG0US$15,000
4thFnatic0US$10,000

Saan mapapanood ang DPC SEA Regional Finals

Credit: Team SMG

Mapapanood ang DPC SEA Regional Finals sa opisyal na Twitch channel ng Beyond The Summit.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga karagdagang balita at istorya patungkol sa DPC Regional Finals sa iba’t-ibang rehiyon.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.