Kinuha ng BOOM Esports si Souliya “Jackky” Khoomphetsavong upang maglaro bilang stand-in carry sa darating na Dota Pro Circuit (DPC) Southeast Asia Regional Finals.

Inanunsyo ng Indonesian esports organization ang pag-sign nila sa 12K MMR Lao carry sa kanilang social media channels nitong Miyerkules, isang araw matapos magbigay ng clue patungkol dito.

Credit: BOOM Esports

Sa pagpasok ni Jackky, nilagay ng BOOM si Pinoy carry Justine Ryan “Tino sa inactive role. Pumasok si Tino sa Indonesia-based team noong ika-17 ng Nobyembre, 2021 at naging bahagi ng tagumpay ng koponan sa Mineski Masters at DPC SEA Tour 1 Division 1.


BOOM Esports kinuha si Jackky para sa DPC Regional Finals

Sa kabila ng matamis na kampeonato nito sa SEA Division 1, napagpasyahan pa rin ng BOOM Esports na magkaroon ng roster change para sa DPC SEA Regional Finals na nakatakdang ganapin mula ika-11 hanggang ika-13 ng Pebrero.

Bago mapunta sa BOOM, naglaro ang 22-year-old carry para sa Thai team na Motivate Trust Gaming na tinulungan niyang makapasok sa SEA Division 2 at pagharian ito upang ma-promote sa Division 1.

Jackky
Credit: Jackky

Ngunit sa nakalipas na Regional League, naging malamlam ang kampanya nila Jackky at Motivate Trust kaya naman nagtapos sila sa 5th-7th place kasama ang Execration at OB Esports x Neon na may pare-parehong 2-5 series win-loss record. Natalo ang Motivate Trust sa ginanap na tiebreaker at na-relegate sa Division 2 ng susunod na DPC Tour.

Makakasama ni Jackky sa BOOM Esports ang tatlong Pinoy player at isang Indonesian standout.

Dota 2 roster ng BOOM Esports para sa DPC Regional Finals

1 – Souliya “Jackky” Khoomphetsavong

2 – Erin Jasper “Yopaj” Ferrer

3 – Saieful “Fbz” Ilham

4 – Timothy “Tims” Randrup

5 – Andrei “Skem” Ong

Coach – Chai “Mushi” Yee Fung

Credit: BOOM Esports

Unang makakalaban nila Jackky at BOOM Esports ang Team SMG sa DPC SEA Regional Finals na may double-elimination format. Nakataya sa Regional Finals ang prize pool na US$100,000 (mahigit P5 milyon) at 380 DPC points.

Subaybayan ang mga kaganapan sa DPC Regional Finals sa pamamagitan ng pag-like sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.