Kinuha ng T1 bilang stand-in si Kim “Gabbi” Santos matapos ilipat sa inactive roster ang carry nilang si Nuengnara “23savage” Teeramahanon para sa paparating na DPC Regional Finals.

Kinumpirma ng koponan ang mga agam-agam ukol sa pagbabago sa kanilang roster sa pag anunsyo ng nasabing desisyon. Sa kabila nito, hindi pa kumpirmado kung ito na rin ang magiging lineup ng T1 papasok sa ikalawang tour ng gumugulong na Dota Pro Circuit.

T1 kinuhang stand-in si Gabbi para sa BTS Pro Series 10: SEA
Credit: T1

Kasabay ng pagpasok ni Gabbi, na free agent matapos umalis sa Talon Esports, ilo-loan naman muna ng South Korea-based organization si 23savage sa Thai team na MotivateTrust.Gaming para sa tumatakbong BTS Pro Series 10: SEA.

Ang kampanya ng T1 sa DPC SEA Tour 1 Division 1

T1 kinuhang stand-in si Gabbi para sa BTS Pro Series 10: SEA
Credit: Valve

Sa kabila ng pangingibabaw ng koponan noong nagdaang season ng DPC, at ang maayos nilang resulta noong nakalipas na The International 10, kung saan sila ay nagtapos sa 7th-8th place, bigo naman ang T1 na madepensahan ang titulo nilang ‘Kings of SEA’.

Na-uwi kasi sa ikatlong puwesto ang kampanya nila sa unang tour ng DPC SEA, matapos silang pangibabawan ng BOOM Esports at Fnatic sa placings.

Sa kabila nito, mananatili pa rin naman sa Division 1 ang koponan at qualified din sila sa DPC Regional Finals, kung saan paglalaban-labanan ng apat na koponan ang pinakamalaking bahagi ng US$100,000 (₱5,000,000+) na prize pool at 380 Dota Pro Circuit points.


Ang kasalukuyang Dota 2 roster ng T1

  • Kim “Gabbi” Santos (stand-in)
  • Karl “Karl” Baldovino
  • Carlo “Kuku” Palad
  • Kenny “Xepher” Deo
  • Matthew “Whitemon” Filemon

Bukod sa Regional Finals ng DPC SEA, na nakatakdang magsimula sa ika-11 ng Pebrero, babandera rin ang T1 kasama si Gabbi sa ikalawang phase ng BTS Pro Series 10: SEA na magsisimula sa ika-14 ng parehong buwan.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ang susunod na Dota 2 Major ay gaganapin sa Mayo, ayon sa opisyal ng isang tournament organizer