Kinailangan mag-back out ng Team SMG sa gumugulong na BTS Pro Series Season 10: Southeast Asia hindi lang dahil sa problema sa internet, kung hindi dahil din nagka-COVID-19 ang miyembro nilang si Yeik “MidOne” Nai Zheng.

Inanusyo ng organisasyon ang naturang desisyon sa parehong araw kung kailan nakatakda sana silang makipagbakbakan kontra Execration.

MidOne tinamaan ng COVID-19; Team SMG nag-withdraw sa BTS Pro Series Season 10: SEA
Credit: Team SMG

“We will take this time to have out players rest up and will come back stronger not just physically, but mentally, and in-game. Get well soon, MidOne,” sulat ng Team SMG.

Humingi rin ng dispensa sa kanilang fans ang koponan sa parehong sulat.


Team SMG magpapatuloy sa Tour 2 ng DPC SEA Division 1

Dahil ang BTS Pro Series Season 10: SEA lang naman sa ngayon ang turneo kung saan kasali ang Team SMG, inaasahan na sa ikalawng Tour na ng Dota Pro Circuit SEA Division 1 ang susunod nilang pakikipagbakbakan.

Dito tuluyang masusubukan ang tikas ng bago nilang roster na kinatatampukan ng beteranong manlalaro na si Michael “Ninjaboogie” Ross, ang support na pumalit kay Roger “Roddgeee” Tan Boon Thye.

MidOne tinamaan ng COVID-19; Team SMG nag-withdraw sa BTS Pro Series Season 10: SEA
Credit: Team SMG

Bago ang kanilang kampanya sa nasabing online tournament, tinapos ng Team SMG ang DPC SEA Regional Finals sa ikatlong puwesto. Nagawa nilang lampasan ang Fnatic sa unang round ng lower bracket, pero nabigo kontra T1.


Nakatakdang magsimula ang DPC SEA Tour 2 Division 1 sa ika-16 ng Marso.

BASAHIN: JaCkky opisyal nang miyembro ng BOOM Esports