Ganap nang miyembro ng BOOM Esports Souliya “JaCkky” Khoomphetsavong matapos magsilbi bilang stand-in ng koponan noong Dota Pro Circuit Regional Finals.

Kinumpirma ito ng Indonesia-based esports organization sa isang social media post. Samantala, mananatili naman sa inactive roster ng koponan si Justine Ryan “Tino” Grimaldo, ang manlalaro na pinalitan ng naturang Thai.


Ang kampanya ng BOOM Esports sa DPC SEA Regional Finals kasama si JaCkky

JaCkky opisyal nang miyembro ng BOOM Esports
Credit: BOOM Esports

Galing si JaCkky sa Motivate.Trust Gaming bago kunin bilang stand-in ng BOOM Esports noong nagdaang DPC SEA Regional Finals.

Taliwas sa naging kampanya niya sa MTG, na nagtapos sa ikapitong puwesto ng DPC SEA Division 1 Tour 1 at made-demote sa Division 2 papasok sa Tour 2, naging mas matagumpay ang una niyang sabak kasama ang mga Pinoy.

Sila kasi ang hinirang na kampeon ng DPC SEA Regional Finals matapos talunin ang Fnatic at T1 nang dalawang beses—una noong upper bracket final at isa pa muli noong grand final.


Dota 2 roster ng BOOM Esports para sa DPC SEA Division 1 Tour 2

(1) Souliya “JaCkky” Khoomphetsavong
(2) Erin Jasper “Yopaj” Ferrer
(3) Saieful “Fbz” Ilham
(4) Timothy John “Tims” Randrup
(5) Rolen Andrei Gabriel “skem” Ong
(coach) Chai “Mushi” Yee Fung

Muling masusubukan ang tikas ng koponan sa Gamers Galaxy Invitational, isang Dota 2 tournament na gaganapin sa Dubai. Tampok sa limang araw na LAN event ang paglalaban-laban ng 10 sa pinakamalalakas na koponan sa mundo para sa pinakamalaking bahagi ng US$272,000 (PHP 13 milyon) na prize pool.

JaCkky opisyal nang miyembro ng BOOM Esports
Credit: BOOM Esports

Samantala, susubukan naman depensahan ng BOOM Esports ang titulo nila bilang Kings of SEA sa ikalawang Tour ng DPC SEA na nakatakdang magsimula sa ika-16 ng Marso.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: BOOM Esports, Team Spirit at OG kasali sa LAN event na Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series