Masusubukan na sa wakas ang kalibre ng BOOM Esports pagdating sa isang international Dota 2 LAN tournament.

Naimbitahan ang kampeon ng Dota Pro Circuit (DPC) Southeast Asia Winter Tour na sumali sa Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022 na itatampok din ang The International 10 champion na Team Spirit maging ang back-to-back TI winner na OG.

Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022
Credit: Galaxy Racer

Nakataya sa torneong inorganisa ng Middle East-North Africa (MENA) esports organization na Galaxy Racer ang tumataginting na AED 1 million (US$272,000 o halos P14 milyon) prize pool at tampok din dito ang sampung koponan na nangunguna sa kani-kanilang DPC region.

Bagamat tatakbo ang Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022 sa isang LAN setting mula ika-2 hanggang 6 ng Marso sa Dubai Studio City, ang mga koponan ay maglalaro “behind closed doors” para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng players at staff mula sa COVID-19.

Ito ang unang Dota 2 LAN tournament na sasalihan ng BOOM Esports simula noong pagharian nila ang BTS Pro Series Season 8 at 9, Mineski Masters, DPC Winter Tour SEA Division 1 at ang DPC SEA Regional Finals.

Pasok sana ang Indonesia-based team na pinagbibidahan ng Pinoy players na sila Japoy “Yopaj” Ferrer, Timothy “Tims” Randrup at Andrei “Skem” Ong sa Winter Major ngunit kinansela ito ng Valve dahil sa banta ng bagong variants ng COVID-19.


Kumpletong listahan ng mga koponang kasali sa Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022

Credit: Galaxy Racer

Southeast Asia

Western Europe

Eastern Europe

North America


Format ng Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022

Hahatiin ang 10 teams dalawang grupo para sa best-of-one round robin group stage na gaganapin sa ika-2 hanggang 3 ng Marso.

Ang top 2 teams mula sa bawat group ay aabante agad sa upper bracket semifinals habang ang 3rd to 4th placers ay uusad sa play-in. Malalaglag naman sa kompetisyon ang bottom team ng magkabilang grupo.

Credit: Galaxy Racer

Sa play-in na idaraos sa ika-3 ng Marso, magbabakbakan ang 3rd at 4th placers best-of-three-matches.

Ang mananalo sa bawat serye ay makakapasok sa lower bracket playoffs round 1 habang ang matatalo ay ma-e-eliminate.

Credit: Galaxy Racer

Anim na koponan ang tampok sa double elimination playoffs na nakatakda sa ika-4 hanggang 6 ng Marso.

Lahat ng laban ay best-of-three, maliban sa Grand Final na isang best-of-five series.

Credit: Galaxy Racer

Ang Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022 sa bagong Dota 2 patch 7.31. Magandang panimula ito para makita ng ibang mga koponan maging ng fans ang panibagong update bago magpatuloy ang DPC 2021-2022 season sa ika-14 ng Marso.

Makikita sa opisyal na website ng Gamers Galaxy ang iba pang impormasyon patungkol sa torneo.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita at istoryang tampok ang Dota 2.