Pupunuan ng BTS Pro Series Season 10 ang puwang sa schedule ng Southeast Asian at American Dota sa kabuuan ng Pebrero at ilang araw sa Maso.

Ni-launch ng kilalang tournament organizer na Beyond The Summit ang ika-10 edisyon ng BTS Pro Series Southeast Asia at Americas na tatakbo mula ika-6 ng Pebrero hanggang ika-7 ng Marso.

Tampok sa mga torneong ito ang mga koponan tulad ng T1, Polaris Esports, Quincy Crew at Thunder Awaken. Paniguradong maiinit na bakbakan ang masasaksihan sa dalawang kompetisyon na may tig-US$50,000 (P2.5 milyon) prize pool.

May dalawang bahagi ang mga torneo sa parehong rehiyon at nakatakdang ganapin ang Phase One mula ika-6 hanggang ika-10 ng Pebrero.


Ang lahat ng koponang kasali sa BTS Pro Series Season 10

BTS Pro Series Season 10 SEA
Credit: Beyond The Summit

BTS Pro Series Season 10 – SEA Phase One (February 6 hanggang 8)

  • Lilgun
  • Team M Y
  • Kobolds
  • Ragdoll
  • Army Geniuses
  • Yangon Galacticos
  • Polaris Esports
  • Motivate Trust Gaming

BTS Pro Series Season 10 – SEA Phase Two (February 14 hanggang 28)

  • OB Neon Esports
  • Execration
  • T1
BTS Pro Series Season 10 Americas
Credit: Beyond The Summit

BTS Pro Series Season 10 – Americas Phase One (February 4 hanggang 9)

  • Simply Toobased
  • APU King of Kings
  • The Cut
  • Lava
  • Team Dogchamp
  • Hokori
  • Arkosh Gaming
  • Infinity

BTS Pro Series Season 10 – Americas Phase One (February 14 hanggang 28)

  • Wildcard Gaming
  • Thunder Predator
  • Infamous
  • 4Zoomers
  • Quincy Crew

Ang playoffs sa SEA ay idaraos mula ika-2 hanggang ika-6 ng Marso habang ang sa Americas naman ay nakatakdang ganapin mula ika-3 hanggang ika-7 ng Marso (oras sa Pilipinas).

Mapapanood ang mga laban sa BTS Pro Series Season 10 sa opisyal na Twitch channel ng Beyond The Summit.


Puntahan ang orihinal na artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports sa link.