Ibinahagi ng tanyag na Dota 2 player na si Jesse “JerAx” Vainikka ang kanyang mga saloobin tungkol sa desisyon niyang bumalik sa pro Dota 2 scene bilang support player ng Evil Geniuses.

Matatandaang nag-retire si JerAx bilang professional player matapos manalo ng dalawang sunod na championship title sa The International (TI8 at TI9) kasama ang OG.

Sa isang interview kasunod ng panalo ng Evil Geniuses kontra Simply TOOBASED sa ikatlong linggo ng DPC NA Tour 1 Division I, ibinunyag ng manlalaro ang dahilan kung bakit nga ba siya sumali sa Evil Geniuses at kung ano ang pakiramdam na muling lumaro matapos tumigil ng dalawang taon.

Bakit bumalik sa pro Dota 2 si JerAx

Bakit bumalik sa pro Dota 2 si JerAx
Credit: Valve

Inanunsyo ni JerAx ang kanyang pagreretiro noong ika-27 ng Enero taon 2020. Aniya, nawalan na raw ang kanyang gana sa pakikipagkompitensiya sa pinakamataas na lebel.

Sa sobrang focused niya raw sa laro, hindi na niya naasikaso ang ibang aspeto sa kanyang buhay.

“Back then, I wasn’t very happy with how I approached my life in general,” paliwanag niya. “I feel like [I had tunnel visioned playing professionally] and kinda forgot everything else on the way there.”

(Noon, hindi ako masyadong masaya kung paano ako mamuhay. Pakiramdam ko natuon lang ang aking atensyon sa paglalaro at parang nalimot ko na ang lahat papunta doon.)

Simula noon, binago na raw ng tubong Finland ang kanyang approach sa pagiging pro player.

“I try to keep things very close to myself, even if I’m a pro now,” sabi niya. “I try to keep things more balanced, to simply put it.”

(Sinusubukan kong ilapit sa akin ang mga bagay-bagay kahit pro na ako. Sinusubukan ko na ibalanse, sa madaling sabi.)

Bakit sumali sa Evil Geniuses si JerAx

Nakwento ng 29-taong-gulang na manlalaro na ang kanilang pinagsamahan ni Kanishka “BuLba” Sosale ang naging dahilan ng pagsali niya sa North American organization.

“First of all, we come a long way with BuLba from the past. I’m very familiar with how he approaches the game. We have no problem teaming together,” aniya.

(Una sa lahat, matagal-tagal na rin ang pinagsamahan namin ni BuLba simula pa noon. Pamilyar ako sa kung paano niya intindihin ang laro. Wala problema sa pagkakampi namin.)

Ibinunyag din niya na kahit noong naglalaro pa siya sa OG, naisip na ni JerAx na makipaglaro sa mga player ng Evil Geniuses kaya sinunggaban na niya ang oportunidad ngayong DPC 2022 season.

“Who stood out for me back then were Arteezy and Cr1t-,” pag-alala niya. “Basically, it is a lot of things lining up for me. I didn’t really consider a lot of other teams going into this process of coming back to playing.”

Bumuti raw ang lagay ng Dota 2 scene matapos ang dalawang taon, ayon kay JerAx

Naibahagi rin ni JerAx ang kanyang pananaw ukol sa Dota 2 players simula noong nag-break siya mula sa professional scene.

“I feel like a lot of players have caught up. I feel like I’m [lagging behind]. I literally ask for help from my teammates. I’m coming from a place where I don’t know anything, but at the same time I feel like I’ve learned quickly the key points of the new patches and I still try to play to my strengths,” pahayag niya.

Ibinunyag niya rin na isang buwan lang bago magsimula ang DPC 2022 nang muli siyang maglaro ng Dota 2.

Marahil ay ito ang dahilan sa mabagal na panimula ng Evil Geniuses sa tumatakbong DPC. Nasa ika-apat na puwesto kasi ngayon ang koponan, sa likod ng Quincy Crew, Team Undying, at 4 Zoomer, nang may 2-2 win-loss record.

Ipagpapatuloy ng Evil Geniuses ang kanilang kampanya sa DPC NA Tour I Division I kontra 4 Zoomers sa ikawalo ng Enero. Maaari itong masubaybayan sa Twitch channel ng ESL Dota 2.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ‘OG ng SEA’ raw ang Team SMG ayon kay Armel ng Fnatic