A la two-time The International champion na OG daw ang galawan ng Team SMG ayon sa midlaner ng Fnatic na si Armel Paul “Armel” Tabios.

Sa isang panayam bago ang harapan ng dalawang koponan sa gumugulong na Tour I ng Dota Pro Circuit 2021-2022 Southeast Asia, binigyang papuri ni Armel ang kanilang kalaban sa pag halintulad sa mga ito sa nabanggit na European team.

“Their hero choices are kinda good when we’re playing against them. They’re playing like OG—They’re like [the] OG [of] SEA. I feel like they’re copying it and they are doing it pretty good too,” paliwanag ni Armel.

(Magaganda ang hero choices nila tuwing nakakalaban namin sila. Para silang OG maglaro—para silang OG ng SEA. Pakiramdam ko ginagaya nila ‘yon at mahusay din ang pagkakagaya nila.”)

Mas napatibay ang pakiwaring ito ni Chief Armel matapos walisin ng ‘OG ng SEA’ ang Fnatic noong unang linggo ng DPC. Bagamat unang salang pa lang ng parehong koponan kasama ang mga bago nilang mga miyembro nang sila ay magharap, madali pa ring nanaig ang panig nina Ryan Jay “Raging Potato” Qui na nagpakitang-gilas bilang Monkey King at Night Stalker sa una at ikalawang mapa ng best-of-three serye.

Team SMG, ang OG ng SEA
Credit: Team SMG

Team SMG, ang OG ng SEA

Kilala ang OG bilang ang koponang bumabali sa mga naka-ugaliang paraan ng paglalaro ng Dota. Malawak ang kanilang hero pool na pinalalakas pa lalo ng kakayahan nilang gamitin ang mga ito sa iba’t-ibang roles.

Ilan na lamang sa mga napasikat nilang streatgy papunta sa pagkamit ng dalawang sunod na Aegis of Champions ay ang carry Io at mid Gyrocopter na naka-Diffusal Blade na parehong na-immortalize noong The International 2019.

Credit: Team SMG

Sa walong mapa na nilaro ng Team SMG sa kasalukuyang DPC, 28 iba’t-ibang heroes na ang kanilang nagamit. Sila ang ikalawang koponan na may pinakamaraming unique heroes, sumunod sa TNC Predator na may 32.

Kaakibat ng versatility na ito ang pantay na win-loss record. Na-iskot ng koponan ang unang dalawa nilang panalo kontra Fnatic at OB.Neon. Samantala, ang dalawang koponang nangunguna sa standings na BOOM Esports at T1 naman ang nagbigay sa kanila ng kanilang mga talo.


Matapos ang unang tatlong linggo ng DPC, nakaluklok ngayon ang Team SMG sa ikatlong puwesto kasama ang Fnatic at Thailand team na Motivate.Trust Gaming. Magpapatuloy naman ang kanilang kampanya kontra pambato ng Pilipinas na Execration sa ikalima ng Enero.

BASAHIN: Tundra Esports tinalo ang TI10 champion sa OGA Dota PIT EU/CIS grand final