Ang mga pub game sa Dota 2 o sa kahit anong team-based game ay pwedeng maging nakakabwisit na karanasan. Para makapag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d, kailangan ng mga player na maging pasensyoso, consistent at bukas sa improvement.
Lahat ay nagkukumahog na matuklasan kung sinu-sinong heroes ang pinakamabisang piliin kapag may bagong patch na inilabas.
Layon ng pinakabagong patch 7.30d update na balansehin ang laro at gawing viable ang karamihan sa mga hero pagpasok ng The International 10. Sa kabila ng balance changes, may mga lumitaw pa rin na mga best heroes sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d.
Best heroes sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 7.30d base sa role
Lycan

Tila kahit anong patch meta o kahit gaano karaming nerf ang kanyang makuha, mananatiling magandang core pick si Lycan sa kahit anong role, lalo na bilang carry.
Pinagpatuloy ni Lycan ang trend bilang ang hero na may pinakamataas na win rate sa Divine at pataas na ranks dahil nga naman ang kanyang kalakasan ay hindi mapantayan.
Kaya ni Lycan na mag-sustain ng kanyang sarili sa lane salamat sa Feral Impulse kaya naman walang kwenta ang pag-harass sa kanya. Kaya niya rin ipanalo ang karamihan sa trades gamit ang extra damage mula sa kanyang wolves.
Pagdako naman ng midgame, kaya ni Lycan na mabilisang patumbahin ang mga support sa pamamagitan ng Shapeshift at Helm of the Overlord. Dagdag pa rito, ang kanyang Howl ay nagbibigay ng extra value sa mga physical-heavy lineup dahil sa armor reduction nito.
Bagamat hinampas si Lycan ng ilang nerfs, napanatili niya ang kanyang tatak bilang isa sa best heroes sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d. Walang ibang carry na nagbibigay ng halaga sa isang lineup na katulad ng ginagawa niya.
Lone Druid

Si Lone Druid ang panglima sa pinakabihirang piliin na hero sa Dota 2 patch 7.30d, isang nakakasurpresang stat kung titignan ang win rate niya.
Pareho kay Lycan, si Lone Druid ay mabisa sa kahit anong core role, pero nakakamit niya ang pinakamataas niyang win rate kapag nilalagay siya sa mid.
Halimaw si Lone Druid sa lane salamat sa kanyang Spirit Bear. Tinutulungan siya ng kanyang Spirit Bear na kontrolin ang creeps nang mas mahusay kaysa sa kahit sino. Ang kanyang bear ay sobrang kunat kaya naman walang silbi ang tangkaing patayin siya.
Maagang nakakapag-online si Lone Druid dahil ang kailangan lang naman niya ay Mask of Madness para gawing almusal ang mga kalaban. Siya rin ang pinakamalakas na scaling hero sa late game dahil meron siyang sumatotal na 12 item slots.
Nakatanggap si Lone Druid ng buffs sa huling limang update at talaga namang nakikita ito. Mas mabilis na siyang umatake, mas madalas na ang pag-proc ng Entangling Root at mas kumunat pa lalo ang kanyang bear. Lahat ng buffs na ito ay ginawa siyang isa sa best heroes sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d.
Night Stalker

Bagamat laging stable pick si Night Stalker sa offlane, ang pagkambyo ng meta sa mid-game team fights ay ang pangunahing dahilan kaya naman kabilang siya sa sa best heroes sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d.
Maraming nagagawa si Night Stalker para sa kanyang koponan dahil siya ay makunat at nagbibigay ng unobstructed vision habang may free pathing para sa kanyang sarili. Kaya niya ring mang-silence ng maraming kalaban at mahilig siyang tumalon sa backline.
Si Night Stalker ay solidong laner salamat sa kanyang mataas na base regeneration na tinutulungan siyang maka-last hit gamit ang Void laban sa mahihirap na match-up. Napakahalaga ng kanyang unang power spike sa five-minute mark dahil binibigyan siya nito ng kapangyarihan na kontrolin ang tempo ng laro.
Kaya ni Night Stalker na mag-itemize para gawin ang kahit anong trabaho. Kung kailangan niyang pumronta, pwede siyang bumili ng Vanguard at Black King Bar. Kung kailangan naman ng damage, magandang option ang Aghanim’s. Sa kabuuan, ang item build niya ay flexible at kayang umayon sa mga pangangailangan ng laro sa patch 7.30d.
Vengeful Spirit

Si Vengeful Spirit ay isang unorthodox na soft support. Dati ay nilalaro ang hero bilang hard support na ang pangunahing trabaho ay isakripisyo ang kanyang buhay para iligtas ang mas mahahalagang miyembro ng koponan.
Nagbago ang lahat ng ito dahil sa Aghanim’s Scepter upgrade kay Vengeful Spirit.
Nakakuha si Vengeful Spirit ng panibagong Aghanim upgrade sa patch 7.28 na tumutulong sa kanya na mag-spawn ng kanyang illusion matapos mamatay. Ang illusion na ito ay mas mabilis gumalaw at kayang gamitin ang abilities niya. Binibigyan pa nga siya nito ng EXP kahit na patay siya.
Hinahayaan si Vengeful Spirit ng pangalawang buhay na ito na maging malahaga pa rin kahit matapos mamatay. Isang malaking hassle ang pagpatay sa kanya nang dalawang beses dahil nga naman kailangan siyang pagsayangan ng oras at spells para patumbahin kung kailan merong mas mahalagang target na dapat mas pagtuunan ng pansin.
Isa pang kalakasan ni Vengeful Spirit ay ang buff sa kanyang Nether Swap. Nagbibigay na ito ng 50% damage reduction sa max level para sa kanya at sa kakampi na pinaggamitan nito.
Bagamat hindi man siya ang pinakamagandang laner, ang kanyang angking kunat at abilidad na iligtas ang kanyang mga kakampi ay patunay na isa siya sa best heroes sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d.
Silencer

Pina-prioritize ng Dota 2 patch 7.30d ang laning stage at ang mid-game team fights. Gawa ng nerf sa stack meta, ang mga aktibong carry ay mas popular dahil nga mas maagang natatapos ang mga laro.
Sa mga ganitong sitwasyon, umahon si Silencer bilang best hero sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d pagdating sa hard support role. Isang bangungot ang kalabanin siya sa laning stage dahil sa kanyang pure ranged damage na hindi nakukuha ang aggro ng creeps. Kayang-kaya niyang mang-harass ng kalaban dahil dito.
Bukod dito, kaya ni Silencer na parusahan ang mga kalaban sa paggamit ng kanilang spells. Mas matagal na ang duration ng Arcane Curse tuwing gumagamit ng spell ang kalaban habang naaapektuhan siya nito.
Samantala, ang Last Word naman ay sina-silence ang mga kalaban matapos nilang gumamit ng spell o kaya naman matapos ang apat na segundo. Dahil nga ang Arcane Curse ay may 1.7x damage at nakaka-slow ng kalaban, binibigyan nito si Silencer ng madaling two-hit combo.
Ang Global Silence ni Silencer ay isang napakagandang ultimate sa mga team fight. Pinipigilan nito ang mga kalaban na mag-cast ng spells nang ilang segundo at hindi na ito kailangan pang itutok.
Maganda ang nangyayari ngayon para kay Silencer. Ang hero ay nagpapakawala ng malaking AoE damage, maraming silence ability, nakakanakaw ng intelligence at nag-i-scale din sa late game.
Sa ngayon, ang tanging kahinaan ni Silencer ay ang dispel mula sa mga kalaban. Pero pagdating ng oras na ‘yon, marami na siyang nagawa para manalo ang kanyang koponan.
Sinu-sino sa tingin niyo ang best heroes sa pag-grind ng MMR sa Dota 2 patch 7.30d?
Base ito sa orihinal na akda ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.