Napabilib ang mga bago at lumang fans nang ipalabas sa unang pagkakataon noong Marso 25, 2021 ang DOTA: Dragon’s Blood, isang serye na hango sa sikat na laro ng Valve na Dota 2.

Mabili namang sinundan ang kuwento nang lumabas ang Dragon’s Blood Book 2 noong ika-18 ng Enero ngayong taon, kung saan tampok ang paglalakbay ng bida na si Davion, ang Dragon Knight, at kanyang mga kakampi.

Narito ang listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon’s Blood at kung saang episode sila unang ipinakilala.

Babala: ang sumusunod na listahan ay naglalaman ng spoilers.


Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon’s Blood

  • Oracle
  • Terrorblade
  • Dragon Knight
  • Mirana
  • Marci
  • Invoker
  • Luna
  • Crystal Maiden
  • Winter Wyvern
  • Lina

Book 1 Episode 1 — What the Thunder Said

Oracle

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Si Oracle ang unang hero na lumabas sa laro at naka-ayon ang kanyang itsura sa kung anong itsura niya sa laro, na maaaring pahiwatig na siya ay nanonood mula sa kataas-taasan. Nagkukuwento siya tungkol sa kontra-bida ng palabas na si Terrorblade.

Mga Dota 2 hero

Credit: Netflix

Makikita sa black-and-white splash na ‘to ang mga hero na nagbabakbakan para sa Nemesis Stones na bumubuo sa Radiant at Dire. Bukod sa tila pagsaludo nito sa mga loading screen noong pinapatakbo pa sa Warcraft III client ang DotA, dagdag ebidensiya rin ito na sina Oracle at Terrorblade ay hindi mula sa mundo kung saan ginaganap ang anime.

Terrorblade

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Malaki ang role na ginagampanan ni Terrorblade sa plot ng DOTA: Dragon’s Blood. Siya ang dahilan ng mga alitan sa palabas, pero dahil sa detalyadong pagsalin ng kanyang itsura mula sa laro, nakatutuwa pa rin para sa mga fans tuwing siya ay lalabas.

Bagamat nauna siyang ipinakita sa introduction na ito, ang unang beses na lumabas siya sa eksena ay noong dinemonyo niya ay kaluluwa at katawan ni Captain Fruhling.

Davion the Dragon Knight/Slyrak

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Ang in-game skill ni Davion ang pinagkuhanan ng pamagat ng palabas, pero malayo-layo ang itsura niya dito kumpara sa laro.

Mas bata siya, mas matapang, mas bolero, pero nahihirapan pa rin siyang makipag-ugnayan kay Eldwurm Skylark, ang Fire Pillar ng Creation.

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Nauna siyang ipinakilala matapos rumesponde kontra isang Earth Dragon, isang malakas na dragon na kayang pumatay ng isang kumpol ng mga mandirigma.

Mirana

Credit: Netflix

Kahit pa sa skill ni Davion nakapangalan ang palabas, tila si Mirana ang pinaka-importanteng karakter sa serye.

Unang lumabas si Mirana na umo-order ng inumin, pero ang ibinigay sa kanya ay maligamgam na beer. May kikitain sila ni Marci na isang misteryosong informant na ngakong tutulungan siyang mahanap ang lokasyon ng mga ninakaw na lotus, isang makapangyarihang kagamitan para sa kanyang diyosa na si Selemene.

Marci

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Ang unang hero na unang naging eksklusibong karakter mula sa palabas. Si Marci ang loyal na tagapagsunod at bodyguard ni Mirana simula pagkabata. Dahil siya ay pipe, hindi siya nakakapagsalita sa palabas, pero kaya niyang pumito para makipag-usap gaya ng ginagawa niya sa laro.


Book 1 Episode 3 — Neverwhere Land

Invoker

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Gaya sa laro, mapagmataas pa rin si Invoker sa DOTA: Dragon’s Blood, pero kapansin-pansin na siya ay may dinaramdam. Kilala siya bilang bilang isa sa pinakamalakas at pinakamatibay na sorcerers sa buong realm dahil naapektuhan ng kanyang mga kagustuhan kahit ang mga mababang-uring elves at pinakamatataas na diyos.

Taliwas sa laro, tila ibang uri ng magic ang bentahe ni Invoker sa palabas dahil madalas niyang sirain ang spacetime. Kaya niya rin i-teleport ang sarili niya at iba pa at obserbahan ang sino man gamit at tubig.

Nauna siyang lumabas na kinakausap si Fymryn, isang elf na nanghimasok sa kanyang tower matapos nakawin ang mga lotus ni Selemene. Bagamat ilang libong taon na siyang nananahimik, talamak pa rin ang kanyang pangalan sa mga alamat.

Luna

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Ang walang-takot at walang-awang kapitan ng Dark Moon Order. Unang lumabas si Luna sa para pangunahan ang misyon na ibalik ang mga nanakaw na lotus ng kanyag diyosa.

Hinahanap niya si Fymryn matapos paslangin ang mga malalapit na kaibigan nito gamit ang kanyang glaive at Lucent Beam.


Book 2 Episode 2 — My Sword, My Life

Crystal Maiden

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Si Rylai, ang Crystal Maiden, ay unang lumabas sakay ni Auroth, ang Winter Wyvern. Sinagip nila ang mga natirang knights sa Dragon Hold matapos lusubin ng mga wrymling na minanupula ni Terrorblade.

Bagamat saglit lang ang kanyang mga eksena sa palabas, may mga pahiwatig ukol sa mga dapat pang abangan tungkol kay Crystal Maiden.

Winter Wyvern

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Napatunayan sa episode na ‘to kung gaano kalaking tulong para kina Davion ang pakikipagkampi ni Auroth sa kanila.

Isa siya sa iilang dragon na kayang makapagsalita, at mahilig pa rin siya sa mga nakasulat na salita gaya sa laro. Bagamat isang makapangyarihang ancient creature, tila naging si Winter Wyvern ang nagin darling of the crowd sa season na ‘to.

Nagpa-bonus rin ang animators ng human form ni Winter Wyvern. Magkakaroon kaya ito ng persona sa laro?

Sinong paborito niyo?
Credit: Netflix

Book 2 Episode 4 — Desolate and Empty Sea

Lina

Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon's Blood
Credit: Netflix

Gaya sa laro, matinik na babae na may kakaibang lakas ang ganap ni Lina sa palabas. Una siyang ipinakilala kay Davion na agad naman niyang naging kaibigan.

Nakuha niya ang bansag na the Slayer matapos mag-isang pigilan ang paglusob ng mga arachnid. Bagamat kahalintulad ni Sand King ang mga ito, hindi kumpirmado kung si Crixalis nga ba ang mga ito dahil ang mga Sand King daw ay kahulma nga ng mga arachnid ayon sa lore.


Bukod sa mga nasa listahan, ilan pang mga Dota 2 hero sa DOTA: Dragon’s Blood ay sina Hieronimo, isang Pangolier, si Asar, na kahawig ni Ursa Warrior, at isang estatwa ni Arc Warden.

Mapapanood ang DOTA: Dragon’s Blood sa Netflix.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 7 Easter eggs sa DOTA: Dragon’s Blood Book 2 para sa mga Dota fans