Inilabas na sa Netflix ang Book 2 ng DOTA: Dragon’s Blood at marami-raming bagay ang tampok dito.

Habang umiinit na ang mga pangyayari, may iilang Easter eggs sa sa Dragon’s Blood na kapansin-pansin lalo na sa mga Dota fans.

Babala: Ang sumusunod na listahan ay naglalaman ng spoilers.

Ang mga Easter eggs sa DOTA: Dragon’s Blood Book 2

7. Quas + Wex + Exort = Sunstrike?

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Maraming pagkakaiba ang Invoker sa laro at sa palabas. Sa Dragon’s Blood, may kakayahan itong mag-teleport at makapaglakbay, kasama ang iba, sa kalawakan nang walang kahirap-hirap. Pero sa ikatlong episode ng Book 2, na pinamagatang “The Lady of Situations,” pinatuyan niyang hindi lang design ang Quas, Wex, at Exort orbs niya.

Ginamit niya ang tatlong ‘to para sa makagawa ng malakas na pagsabog laban kay Vahdrak, ang Chaos Dragon. Taliwas ito sa laro, kung saan Deafening Blast dapat ang lalabas, pero marahil ay mas magandang tignan ang pagsasama-sama ng tatlong makaka-ibang kulay na orbs sa palabas.

6. Cold Embrace ni Winter Wyvern

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Unang lumabas si Winter Wyvern sa serye para iligtas ang mga natitirang knights sa Dragon Hold noong ikalawang episode ng Book 2.

Kalaunan, naging kakampi siya nina Davion. Binigyan niya rin si Bram ng isang singsing na may kakayahang protektahan ang nagsusuot nito. Ang bilugang itsura nito ay kamuka ng visual effect ng in-game Immortal item ni Winter Wyvern na Icelight Edifice.

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Sa ikawalong episode naman, makikita rin si Winter Wyvern na hini-heal si Davion, pero ang mas pamilyar na Cold Embrace na ang tampok sa eksena. Sino nga ba naman ang tatanggi sa ano mang ’embrace’ mula sa human form ni Winter Wyvern?

5. Rolling Thunder ni Pangolier

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Ang Pangolier sa palabas ay hindi si Dont,é Panlin mula sa laro, isa itong bagong karakter na nagngangalang Nico Hieronimo. May pagkakahalintulad pa rin naman sila ni Donté, dahil parehong matamis ang kanilang dila.

Bukod dito, nakita rin sa palabas kung paano mag-Rolling Thunder, na ultimate ni Donté Panlin sa laro, si Hieronimo para talunin ang mga guwardiya at iligtas sa panganib si Luna.

4. Neutral creeps sa labas ng neutral camps

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

May buhay sa labas ng neutral camps ang mga neutral creeps… at least sa DOTA: Dragon’s Blood. Tampok kasi sa Book 2 ang Satyr Tormentor at isang Hill Troll sa isang eksena.

Ang Ancient ay binubuo ng Radiant ore at Direstone na napag-alamang may kakayahang impluwensiyahan ang pag-iisip. Marahil ang mga neutral creeps ay hindi talaga creeps, kung hindi mga mamamayan na sinusubukang mamuhay sa gitna ng gera sa pagitan ng mga nabaliw dahil sa Nemesis Stones.

3. Si Zet, ang Arc Warden

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Watcher dapat ng Radiant at Dire si Zet, pero naubos ang kanyang kapangyarihan dahil sa haba ng laban, at kahit siya mismo ay hindi na napigilan na mapunta sa Dota stone ang Radiant ore at Direstone.

Sa ikapitong episode ng Book 2, maraming impormasyon ang isiniwalat. Inilabas na ni Kashurra ang tunay niyang anyo bunga ng impluwensiya ng Nemesis Stones na hawak ng estatwa ni Arc Warden.

Parehong transformation ang nangyari kay Winter Wyvern, pero ito ay dahil naman sa Radiant ore.

2. May Dota multiverse

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Bagamat may minsan lang ang mga eksena ni Invoker, marami namang siyang Easter eggs. Sa ika-apat na episode, ang “Desolate and Empty the Sea,” isang pag-uusap nina Invoker at Terrorblade ang nagpahiwatig sa katotohanan ng mundong kanilang kinatatayuan.

“In countless realities, you are the same,” ani Terrorblade kay Invoker. Sa sirang Foulfell ng Demon Marauder, isang mas pamilyar na Invoker ang makikita.

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

May iba’t-ibang bersyon ng Invoker sa multiverse na may iba’t-ibang accessories at hairstyle. Maaaring ibig-sabihin na may sariling mundo ang DOTA: Dragon’s Blood, at iisa lang ito sa maraming mundo na may Invoker.

Puwedeng eksplanasyon rin ito kung bakit kamukang-kamuka ni Terrorblade ang itsura niya sa laro, ‘di tulad ng ibang karakter.

1. Ang Dragon Clan

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Sa unang episode ng Book 2 na “Nothing with Nothing,” pinahiwatig ng Father of the Dragon Knigts na may kakaibang tao sa kanilang mundo na nagtataglay ng mga katangian ng dragon—katulad na lang nina Crystal Maiden at Lina. Ang mga ito ay miyembro ng tinatawag na Dragon Clan.

Sa laro, may voice line din si Lone Druid na nagsasabing, “Always pleased to see Dragon Clan.”

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

‘Di na rin ito mahirap paniwalaan lalo na matapos ipakita ni Lina ang Dragon Slave at Laguna Blade niya sa palabas.

‘Di na rin nakapagtataka kung mas marami na ang magsi-simp kay Lina pagkatapos manood nito. Tignan niyo naman kasi kung paano niya winasak ‘to.

7 Easter eggs sa DOTA: Dragon's Blood Book 2 para sa mga Dota fans
Credit: Netflix

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang kayang makipagbakbakan ng mga Dota 2 heroes sa mga diyos at puwersa ng kalikasan.

May namataan pa ba kayong Easter eggs? I-comment sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng mga Dota 2 heroes sa DOTA: Dragon’s Blood