Nakuha ng dating Fnatic top laner na si Paul “sOAZ” Boyer ang atensyon ng marami matapos niyang ikumpara ang dalawang sikat na MOBA games.

Ayon kasi sa kanya, mas interesting na laro raw kasi ang Dota 2 kesa sa League of Legends, kung saan siya naging professional player sa loob ng 11 taon. Ibinunyag ito ni sOAZ sa isang panayam kasama ang founder ng H2K na si Richard “Rich” Wells.

Maraming napag-usapan ang dalawa, kabilang na ang mahabang karera ni sOAZ. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga matatagal nang fans ng Fnatic na balikan ang early days nito sa France hanggang sa kalakasan ng mga nauna nitong roster.

Kinumpara ni sOAZ and Dota 2 at League of Legends

Kinumpara ni sOAZ and Dota 2 at League of Legends
Credit: Riot Games

Nang tanungin tungkol sa Dota 2, inamin ng dating Fnatic pro na mas madali raw maging creative sa Dota 2 kumpara sa League of Legends.

“I think there’s a lot more, I would say, crazy things that happen in Dota… there’s a lot more action in Dota,” banggit niya kay Rich. “At the top, Dota is probably more fun, League is a lot more teamplay-based, not that Dota is not… but I think there’s a lot more room to error.”

(Sa tingin mas maraming nangyayari sa Dota… mas ma-aksyon ang Dota. Siguro mas masaya rin laruin ang Dota, mas nakabase kasi sa teamplay ang League, pero hindi naman sa hindi ganoon ang Dota… mas mapagpatawad kung magkakamali.)

“You can be more creative in Dota. That’s probably the most fun thing compared to League.”

(Mas pwede kang maging creative sa Dota. Iyon siguro ang pinakamasaya dito kumpara sa League.)

Dati, sikat si sOAZ sa kanyang mga teleport play at highlight na ‘to noong League of Legends World Championship semi-final kontra T1.

Kilala rin siya sa mga creative play at karanasan, ilan sa mga ito ang dahilan kung bakit sikat ang French player sa European region noong kapanahunan niya.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: CSGO legend s1mple naka-Rampage sa Dota 2