Hindi muna ace ang highlight play na ginawa ng Counter-Strike: Global Offensive superstar na si Oleksandr “s1mple” Kostyliev, kung hindi Rampage sa Dota 2.

Nakuha ng Natus Vincere player ang pinakamataas na multi-kill streak habang naglalaro sa kanyang stream bilang Lifestealer.


Lifestealer ni s1mple naka-Rampage sa Dota 2

Lifestealer ni s1mple naka-Rampage sa Dota 2
Credit: s1mple

Bahagyang dehado ang mga kalaro ni s1mple bandang 20-minuto ng laro. Susubukan nilang baliktarin ang sitwasyon sa tulong ng isang smoke gank attempt sa may middle lane ngunit naunang nahuli ng kalaban ang kakampi nilang Puck.

Naka-Infest sa loob ng Slardar si s1mple nang tumalon ito para makahuli ng dalawa sa Slithereen Crush. Mabilis na nabura ang na-stun na Clinkz at Techies, gayundin ang out-of-position na Rubick para maka-Triple Kill ang manlalaro.

Pagkatapos ng Rolling Thunder ng kalabang Pangolier, sinalubong ito ng sunod-sunod na disable at makakating right-click mula sa Lifestealer para maselyo ang Ultra Kill.

Sakto rin ang pag-Blink papasok sa patalo nang laban ang Anti-Mage na ‘di na rin pinagising ng mga kakampi ni s1mple. Sinigurado ng Bash of the Deep at Sacred Arrow na hindi makakatakas ang huling kalaban para tuluyang makuha ng CSGO star ang pinaka-aasam na Rampage.

Bagamat nauwi pa rin sa pagkatalo ang laban, maganda pa rin ang ipinakitang laro ng 24-taong-gulang na manlalaro matapos magtala ng 18 kills at pitong assists sa kahabaan ng 37 minutong laban.


Ayon sa kanyang stream, si s1mple ay may rank na Crusader 5 sa Dota 2.

Kung hindi CSGO, sinusubukan din maglaro ni s1mple sa kanyang stream ng iba pang first-person shooter games gaya ng Valorant at Call of Duty: Warzone.

Credit: HLTV

Noong nakaraang taon, napanalunan ni s1mple ang kauna-unahang Major championship title niya sa CSGO matapos ang perpektong kampanya sa PGL Major Stockholm, kung saan siya rin ang hinirang na MVP.

BASAHIN: Winter Major kanselado dahil sa COVID-19