Natuldukan ng Major championship title ang perfect run ng NAVI sa PGL Major Stockholm 2021. Sila ang kauna-unahang koponan sa kasaysayan ng Counter-Strike: Global Offensive na nagtagumpay sa isang Major tournament nang hindi natatalo kahit isang mapa.

Ang PGL Major Stockholm 2021 ay ang unang Major tournament ng CS:GO matapos ang dalawang taong hiatus dahil sa banta ng COVID-19. Idinaos ito sa harap ng live audience sa Avicii Arena na matatagpuan sa Stockholm, Sweden.

Credit: PGL

Ang perfect run ng NAVI sa PGL Major Stockholm 2021

Sinimulan ng Natus Vincere ang kanilang kampanya sa New Legends stage bilang topseed ng CIS rankings na may 6024 points.

Dito, tatlong koponan ang kanilang tinalo—ang ika-apat sa Europe rankings na Heroics, ang ikalima sa CIS rankings na Virtus.pro, at ang topseed sa Europe rankings na Ninjas in Pyjamas. Tinapos nila ang stage nang may 3-0 match record para umabante sa New Champions stage, ang huling bahagi ng turneo.

Ang perfect run ng NAVI sa PGL Major Stockholm 2021
Credit: PGL

Walo mula sa 24 koponan na lang ang nagharap-harap sa New Champions stage. Winalis ng NAVI ang French team na Team Vitality sa quarterfinals, bago ilaglag ang kinatawan ng Russia na Gambit para maka-abante sa grand final.

Dito, nakaharap ng Ukrainian squad ang G2 Esports. Sinimulan ng dalawang koponan ang best-of-three sa Ancient. Dikit ang unang half ng laban hanggang sa makakuha ng 4K si Oleksandr “s1mple” Kostyliev noong Round 13 gamit ang AWP para makapagtatag ng bahagyang kalamangan. 

Sinubukan pa ng G2 Esports na pumalag pero naibaon sila ng NAVI matapos magwagi sa limang sunod-sunod na rounds. Nagtala si s1mple ng game-high 31 kills at 1.68 rating sa kanilang 16-11 na panalo.

Mas matikas na kalaban ang sumalubong sa NAVI pagkalipat sa Nuke. Bagamat nakapagtala ng 4K si Denis “electronic” Sharipov, natapos pa rin ang unang half ng mapa sa score na 10-5 para sa koponan nina Nikola “NiKo” Kovač.

Umabot sa 15-10 ang score bago ginapang ng NAVI pabalik ang lamang hanggang sa mapwersa ang double overtime. Limang sunod-sunod na rounds muli ipinanalo nila para maselyo ng kampeonato ang perfect run ng NAVI.

S1mple kinilala bilang MVP ng PGL Major Stockholm 2021

S1mple kinilala bilang MVP ng PGL Major Stockholm 2021
Credit: HLTV

Bagamat ngayon pa lang natupad ang kauna-unahang Major championship title ng 24-taong-gulang na manlalaro, sinelyo naman ni s1mple sa entablado ng Avicii Arena ang ika-17 niyang MVP title. 

Dahil pagiging malaking parte ng perfect run ng NAVI sa naturang turneo, nakapagtala si s1mple ng 0.95 kill per round, 93.8 damage per round, at tournament-high na 1.47 rating.


Bukod sa kampeonato, mag-uuwi rin ang NAVI ng US$1,000,000, ang pinakamalaking bahagi ng US$2,000,000 prize pool ng turneo.

BASAHIN: NAVI papasok sa MLBB esports; players ng Deus Vult kinuha