Pinasok na ng Natus Vincere, o NAVI, ang Land of Dawn matapos nitong kunin ang Mobile Legends: Bang Bang roster ng Deus Vult.

Sa kanilang anunsyo, kinilala nila ng ng tanyag na esports organization ang Deus Vult bilang ang pinakamalakas na team sa CIS. Binubuo ito ng mga Russian at Ukrainian players na namayagpag sa mga regional at major tournaments sa kanilang rehiyon.

NAVI papasok sa MLBB; players ng Deus Vult kinuha
Credit: Mobile Legends: Bang Bang

Ang nasabing koponan din ang nagwagi sa nagdaang Mobile Legends Mythic League, ang qualifier ng rehiyon para sa M3 World Championship. Ito na ang ikatlong sunod na beses na marerepresenta ng mga manlalaro ang kanilang rehiyon sa enggrandeng turneo.

Nagpabatid naman ng kagalakan ang kapitan ng koponan na si Stanislav “SAWO” Reshiniak:

“We are glad to be a part of the NAVI esports club. It is a big step for us and our region in Mobile Legends. We have a huge motivation to show our best at the upcoming championship. We look forward to your support!”

Ang MLBB team ng NAVI

  • Stanislav “SAWO” Reshniak (kapitan)
  • Kemiran “Sunset Lover” Kochkarov
  • Ruslan “Lil” Degtev
  • Andriy “Defender” Martynenko
  • Maxim “Nagib” Dudich
  • Alexandr “WarBarbie” Korystin (coach)

Ang mga esports teams ng NAVI

Credit: Valve

Naunang nakilala ng mundo ang NAVI dahil sa Dota 2 team nito. Sila ang unang organisasyon na nagwagi sa The International, ang Dota 2 world championship.

Credit: s1mple

Hindi rin matatawaran sa larangan ng Counter-Strike: Global Offensive ang mga nakamit ng NAVI. Sila ang koponang hinirang na kampeon ng isang tournament nito, at nasa maganda rin silang posisyon ngayon para pagtagumpayan muli ang ginaganap na PGL Major Stockholm 2021.

Bukod sa Dota 2 at CS:GO, meron ding esports teams ang NAVI sa Rainbow Six: Siege, Apex Legends, PUBG, PUBG Mobile, Free Fire, Quake Champions, Brawl Stars, Call of Duty: Warzone, Valorant, at League of Legends: Wild Rift.


Samantala, nakatakda naman ganapin ang M3 World Championship simula sa ika-anim hanggang ika-19 ng Disyembre sa Singapore, ayon sa anunsyo ng NAVI.