Magkakadikit ang mga koponan sa kasalukuyang Dota Pro Circuit o DPC 2021-2022 rankings kaya naman tunay na napakaimportante ng paparating na PGL Arlington Major 2022.
Nakataya kasi rito ang napakaraming DPC points na kakailanganin ng mga kasaling koponan upang makaselyo ng direct invite sa pinakamalaking Dota 2 tournament ngayong taon, ang The International 11. Sa ngayon, ang PSG.LGD, OG, TSM.FTX at Thunder Awaken pa lang ang may direct invite at walong koponan pa ang makakatanggap nito.
May 4,570 DPC point pool sa Arlington Major at siguradong makukumpleto ang 12 TI direct invites mula sa DPC 2021-2022 rankings sa pagtatapos ng ikalawa at huling Major ng taon. Ang top 8 teams lang ang makakakuha ng bahagi ng puntos sa Arlington.
Narito ang DPC point pool distribution ng Arlington Major:
PWESTO | DPC POINTS |
Kampeon | 820 |
2nd | 740 |
3rd | 670 |
4th | 590 |
5th-6th | 515 |
7th-8th | 360 |
Ayon sa respetadong Dota 2 statistician na si Ben “Noxville” Steenhuisen, ang average DPC point threshold upang direktang makapasok sa TI11 ay 1080.27, pero inaasahang bababa pa ito sa paggulong ng Arlington Major.
Ilan sa 17 koponang sasabak sa darating na Major ay kakailanganin lang makapasok sa top 8 ng torneo habang ang iba naman ay kakailanganing makakuha ng mataas na pwesto upang masiguro ang TI direct invite. Inaasahan na ‘di papatawan ng DPC points penalty ang mga koponang gagamit ng stand-in player sapagkat visa issue ang dahilan ng hindi pagpunta ng ilang manlalaro.
Ang mga teams na hindi makakapasok sa top 12 ng DPC 2021-2022 rankings ay dadaan sa madugong Regional Qualifiers.
Silipin natin ang DPC 2021-2022 rankings bago magsimula ang Arlington Major na nakatakdang ganapin mula ika-4 hanggang ika-14 ng Agosto sa Esports Stadium Arlington sa Texas, USA.
Ang kasalukuyang DPC 2021-2022 rankings bago magsimula ang Arlington Major
PWESTO | KOPONAN | DPC POINTS | KASALI SA ARLINGTON MAJOR? | DIRECT INVITE SA TI11? |
1st | Thunder Awaken | 1,540 | Oo | Oo |
2nd | PSG.LGD | 1,500 | Oo | Oo |
3rd | TSM.FTX | 1,380 | Hindi | Oo |
4th | OG | 1,340 | Oo | Oo |
5th | beastcoast | 1,295 | Oo | Hindi |
6th | Tundra Esports | 1,212 | Oo | Hindi |
7th | Gaimin Gladiators | 1,130 | Hindi | Hindi |
8th | BOOM Esports | 1,122.5 | Oo | Hindi |
9th | Evil Geniuses | 1,052.5 | Oo | Hindi |
10th | Fnatic | 1,020 | Oo | Hindi |
11th | Team Spirit | 990 | Oo | Hindi |
12th | Team Aster | 940 | Oo | Hindi |
PWESTO | KOPONAN | DPC POINTS | KASALI SA ARLINGTON MAJOR? | DIRECT INVITE SA TI11? |
13th | Team Liquid | 890 | Oo | Hindi |
14th | BetBoom Team | 740 | Hindi | Hindi |
15th | Royal Never Give Up | 738.42 | Oo | Hindi |
16th | Outsiders | 660.05 | Oo | Hindi |
17th | Soniqs (Quincy Crew) | 582.49 | Oo | Hindi |
18th | Xtreme Gaming | 440 | Hindi (nag-withdraw dahil sa visa issue) | Hindi |
19th | T1 | 378.3 | Hindi | Hindi |
20th | Natus Vincere | 341.67 | Oo | Hindi |
21st | Talon Esports | 300 | Oo | Hindi |
Para sa mga artikulo patungkol sa PGL Arlington Major 2022, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.