Pumasok na ang rewards para sa Dota 2 fantasy players ngunit hindi namin kayo masisisi kung nadismaya kayo.
Nilabas na ng Valve ang DPC Winter Tour Fanstasy Treasure at bagamat karamihan ng tampok dito ay mga lumang set, binago ito ng kaunti sa pamamagitan ng paglagay ng red accents.

Makakatanggap ang mga player ng isang DPC Winter Tour Fantasy Treasure sa bawat tatlong Fantasy levels na naipon nila.
Malaki ang dinagdag na rewards para sa Winter Regional Finals. Makakakuha ang mga player ng 12 levels para sa top 10% performance, 9 levels para sa top 25% at 6 levels para sa 50%–mas mataas mula sa 3 levels, 2 at 1, ayon sa pagkakasunod.
Dismayado ang fans sa DPC Winter Tour Fantasy Treasure

Binubuo ang bagong DPC Winter Tour Fantasy Treasure ng mga lumang set na nilagyan ng red color scheme, gaya sa black and gold theme ng The International 10 Lineage treasure. Sa kasamaang palad, mabilis na pinuna ng fans ang naturang Fantasy Treasure. Dati pa ay may pareho nang reklamo ang fans patungkol sa cosmetics partikular na sa Dota Plus sets.
Bagamat inaasahan na ito dahil libre naman, marami pa rin ang nadismaya sa quality at kawalan ng originality ng DPC Winter Tour Fantasy Treasure. Kitang-kita ang pagkakaiba kumpara sa cosmetics mula sa pinakabagong Battle Pass at dahil sa konting incentive na ‘to, ‘di masyadong nag-e-effort ang mga player sa Fantasy.
Hindi bagong konsepto ang fantasy para sa Valve dahil bumabalik naman ito kada may TI Battle Pass. Pero bago ang pagkabit nito sa Dota Pro Circuit (DPC).
Madaling humatak ng mga manlalaro para subukan ang fantasy sa loob ng dalawang linggo kapag may extra levels para sa Battle Pass na puno ng goodies. Pero mahirap akitin ang fans kung ang end reward ay mukhang low-effort, recycled sets na may substandard na kulay.
Para sa isang player base na obsessed sa cosmetics na pangunahing pinagmumulan ng revenue sa Dota 2, siguradong kaya ng Valve na magpakita ng mas maganda pa. Libu-libo ang sets na nasa workshop mula sa mga talented artists sa buong mundo. Sana may dalang bago ang susunod na Tour at hindi basta recycled lang.
Base ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.