Nag-init ang Ember Spirit ni Abed “Abed” Yusop sa Game 2 para tulungan ang Evil Geniuses na makakuha ng 1-1 tabla kontra sa karibal nitong OG sa ikatlong araw ng group stage ng The International 10.

Walang tulak kabigin sa mainit na paghaharap ng dalawang koponan na ito. Pinainit din kasi ng naganap na bakbakan ang mapait na kasaysayan sa pagitan ng Aegis of Champions bearers.


OG dinurog ang EG sa Game 1 gamit ang classic Juggernaut-Magnus combo

Credit: OG

Pinakita ng two-time defending champion OG ang signature non-stop aggression nito sa Game 1. Gamit ang classic Juggernaut-Magnus combo, nilista ng koponan ang pinakamabilis na panalo sa ngayon sa TI10.

Binugbog nila Sumail “SumaiL” Hassan sa Juggernaut at kapitan Johan “N0tail” Sundstein sa Clockwerk ang Tidehunter ni Daryl “iceiceice” Koh Pei Xiang sa bot lane upang makaipon ng maagang kalamangan.

Lalong nakaalagwa si SumaiL pagdating sa farm dahil sa Empower buff mula sa Magnus ni Sébastien “Ceb” Debs kaya naman mabilis siyang nakabili ng Diffusal Blade at Manta Style.

Sinelyo ng OG ang 21-minute victory sa pamamagitan ng isang clash sa loob ng Dire base ng EG kung saan nahuli ng Reverse Polarity ni Ceb ang Monkey King ni Artour “Arteezy” Babaev at pinagtataga sila ni SumaiL gamit ang Omnislash.


Ember Spirit ni Abed sinalba ang EG sa Game 2

Credit: ONE Esports

Napanatili ng OG ang kanilang momentum patungo sa Game 2 kung saan sumandal sila sa isang heavy sustain draft na pinangunahan ng offlane Io ni Ceb.

Pero nagawang pumalag ng EG salamat sa matinik na Ember Spirit ni Abed na binigyan ng maraming space ang Lycan ni iceiceice at Ursa ni Arteezy para ma-farm ang kanilang core items.

Isa sa core items na ito ang Aghanim’s Scepter ni iceiceice na nagbigay sa kanya ng Wolf Bite ability para i-transform si Arteezy at padaliin ang paghabol niya sa mahahalagang target.

Matindi ang mga sumunod na bigayan ng magkabilang koponan pero mas solido ang pinakitang composure at decision-making ng EG sa late game kaya naman naparusahan nila ang mga overextension ng OG.

Hindi na bumitaw pa ang hari ng North America sa kanilang kalamangan at tuluyang pinuwersa ang GG mula sa OG sa loob ng 39 minuto.

Kumamada ang Ember Spirit ni Abed ng 9 kills at 19 assists kontra sa 3 deaths at itinala rin ng 21-year-old Pinoy star midlaner ang pinakamataas na hero damage sa laro na umabot sa 63.9K.


Ipagpapatuloy nila Abed at ng Evil Geniuses ang kanilang kampanya sa Group A ng TI10 laban sa Thunder Predator at Virtus.pro mamaya. Mapapanood ang mga laban sa opisyal na Filipino broadcast ng torneo hatid ng LuponWXC sa kanilang Twitch, YouTube at Facebook page.


Gusto niyo pa ba makakita ng mga aksyon mula sa Evil Geniuses? Panoorin sila sa Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.