May bagong koponang makikipagbakbakan sa mainit nang rehiyon ng Southeast Asia matapos ianunsyo ang opisyal na Dota 2 roster ng Talon Esports, Miyerkules ng madaling-araw.

Pangungunahan ng dating kapitan ng Evil Geniuses na si Tal “Fly” Aizik ang bagong koponang pinupuno ng mga kilalang pangalan mula sa nasabing rehiyon, kabilang na ang tanyag na Filipino carry na si Kim “Gabbi” Villafuerte.

Sa tulong ng talentadong players nito, nais daw ng Talon Esports na makapasok sa mga Major tournament ng susunod na DPC season pati na rin sa The International.


Dota 2 roster ng Talon Esports

Dota 2 roster ng Talon Esports
Credit: Talon Esports
  • Kim “Gabbi” Villafuerte
  • Rafli Fathur “Mikoto” Rahman
  • Damien “kpii” Chok
  • Brizio Adi “Hyde” Putra Budiana
  • Tal “Fly” Aizik

Dota 2 roster ng Talon Esports, magbabase sa Pilipinas

Sa isang mensahe ng CEO ng Talon Esports na si Sean Zhang, inilahad niyang Pilipinas ang magiging tahanan ng kanilang bagong koponan.

“DOTA 2 has been a game that we have long sought to enter and finally in 2021, we have arrived. The Philippines will be the home of our new squad and we look forward to embracing the passionate fan base of the country,” saad ni Zhang.

Ganito rin halos ang pakiwari ni Fly ukol sa paglipat sa SEA mula sa North America. Aniya, malapit sa kanyang puso ang rehiyon at nananabik na rin siyang sumabak kasama ang Dota 2 roster ng Talon Esports.

Credit: ONE Esports

“It will be intense, yes, but I am looking forward to competing under a fresh banner and alongside this talented roster. I am excited for a new era of SEA Dota,” banggit niya.

Kilala ang Talon Esports sa mga nakamit nito sa larangan ng League of Legends. Nitong taon, pinangibabawan ng PSG Talon ang Spring at Summer splits ng Pacific Champions Series at sumabak din sila kamakailan sa Worlds 2021.

Bukod sa Dota 2 at LoL, may esports teams din ang organization sa Overwatch, Arena of Valor, Tekken 7, at Rainbox Six Siege.

Mababasa ang kumpletong anunsyo tungkols a Dota 2 roster ng Talon Esports dito.

BASAHIN: MoonMeander: ‘Team Undying is not making any roster changes’