Mapapanood na ang eksklusibong behind-the-scenes na mga tagpo sa ONE Esports Singapore Major sa Heroes of the Game, ang espesyal na two-part series na hatid ng foodpanda.

Tampok sa documentary ang Fnatic, Evil Geniuses, at OB.Neon, tatlong koponang lumahok sa isa sa mga pinakamalaking Dota 2 tournament ng 2021.

Bakas sa nasabing palabas ang pressure ng pagiging manlalaro ng unang offline Dota tournament matapos ang halos dalawang taon. Nakataya kasi dito ang pinaka-aasam na Dota Pro Circuit points, ang pangunahing kailangan para makadalo sa The International 10.

Ang paglalakbay ng Evil Geniuses at Fnatic para ma-uwi ang kampeonato, tampok sa Heroes of the Game

Para sa dalawang batikang Dota 2 teams na Evil Geniuses at Fnatic, nagsilbi ang Singapore Major bilang panibagong yugto sa kanilang makulay na kasaysayan.

Ngunit dahil sa mga pagsubok na dala ng global pandemic, hindi naging madali ang paghahanda para sa nasabing Major. Dahil sa banta ng travel restrictions at potensiyal na COVID-19 transmission, aalamin sa Heroes of the Game kung paano nga ba ito naka-apekto sa mga top-tier teams?

Ang pagpalag ng OB.Neon sa kabila ng kakulangan sa kanilang roster

Sinalubong naman agad ng pagsubok ang bagong salta sa Major na OB.Neon matapos nilang malaman na hindi makakalaro ang kanilang carry na si John Anthony “Natsumi-” Vargas dahil sa mga dahilang naka-angkla sa COVID-19.

Panoorin kung paano nga ba sinubukan ng tatlong teams na ‘to na mag-adapt sa mga ‘di inaasahang pangyayari, lampasan ang mga nasabing pagsubok, at tanggapin ang new normal.

Alamin din kung paano nga ba na-set up at pinatakbo ang Singapore Major, sa kabila ng maraming pagsubok.

Ang unang parte ng Heroes of the Game delivered by foodpanda ay e-ere sa ikalawa ng Oktubre sa opisyal na YouTube, Twitch, at Facebook page ng ONE Esports.

BASAHIN PA: Evil Geniuses Fly: ‘OG is the team to look out for at TI10’