Karamihan sa pinakamagagaling na Dota 2 teams ay pinapatunayan ang kanilang lakas sa pamamagitan ng panalo, ngunit tila hindi ito ang naging kaso para sa reigning The International champion na Team Spirit.

Pinadapa ng Team Spirit ang Natus Vincere, 2-1, noong ika-10 ng Enero sa Dota Pro Circuit (DPC) Eastern Europe Tour 1 Division 1 kung saan madali nilang pinanalo ang huling dalawang laro ng serye.

Pero ang kanilang pagkatalo sa isang 72-minute nail-biter sa Game 1 kontra Na’Vi ang nagpatunay na isa silang top-tier team.


Ang early game ng Team Spirit vs Na’Vi

Paano nabaliktad ng itemization ng Team Spirit ang isang dehadong sitwasyon tungo sa isang malupit na laro
Credit: Valve

Bagamat lumamang sila sa tatlong pagkakataon lang sa buong laro, nasira ng Team Spirit ang game plan ng Natus Vincere gamit ang malakas na teamfight at itemization.

Hindi naging maganda ang early game para sa kampeon ng TI10. Pagdating sa kill count, pumutok sa 23 kills ang Na’Vi samantalang mayroon lang anim na kills ang Spirit sa loob ng unang 30 minuto ng laro.

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

Ang sitwasyon sa screenshot na ito hindi naman kakaiba. Kadalasan, ang dehadong koponan ay nadudurog, nababasagan ng barracks at naghihintay na lang ng pagkatalo. Pero paano naka-survive ang Spirit at nakapalag pa nga sa loob ng mahigit 40 minuto matapos nito?

Nagawa ng Team Spirit na makasabay sa net worth at experience salamat sa dalawa nilang core heroes na sina Kunkka sa kamay ni Illya “Yatoro” Mulyarchuk at Queen of Pain gamit ni Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek.


Paano nilaro ng Team Spirit ang mapa gamit ang kanilang mobility

Credit: Valve

Kapag nagdodomina ang kalaban, lumiliit ang mapa. Habang mas nagiging agresibo ang kalaban at lalong lumalapit sa inyong fountain, ang kabilang banda ng mapa ang nagiging pinakaligtas na lugar.

Doon naglaro si Yatoro sa halos kabuuan ng laro. Tumambay siya sa top lane para i-clear ang Dire jungle at creep wave. Pero dahil ang gamit niya ay Kunkka–isang hero na hindi naman masyadong mobile–kinailangan niyang maghanap ng magandang paraan para manatiling malayo sa kalaban pero lagi pa ring handa para sumali sa mga clash kasama ang kanyang mga underfarmed na kakampi.

Gumamit si Yatoro ng Boots of Travel para mag-farm sa mga mapanganib na lugar

Ni-rush ni Yatoro ang Boots of Travel bilang kanyang unang major item. Kumuha na siya ng Armlet of Mordiggian bago ito para manatili sa lane at makakuha ng malaking damage bilang isang strength hero.

Dahil sa BoT, nakapugak siya sa Dire area at gumamit ng magagaslaw na X Marks the Spot combination para hindi mapitas.

Nagpaka-pseudo Ember Spirit ang hard carry para sa kanyang koponan sa pamamagitan ng paggamit ng X Marks the Spot para iwasan ang mga delikadong lugar (ginamit niya ito nang 21 beses sa kanyang sarili). Gamit ang isang hampas lang ng Tidebringer, madali niyang nabubura ang isang malaking creep wave kaya napipilitan dumepensa ang Na’Vi.

Ginamit din ni Yatoro ang X Marks the Spot sa kanyang mga kakampi tulad nila TORONTOTOKYO at Magomed “Collapse” Khalilov (Sand King) na nagbi-blink in lang, clear ng wave sabay balik sa x-mark.

Dahil dito, naging epektibong taga-depensa ng bot lane si Yatoro at handa para makabalik sa kanyang mga kakampi nang wala masyadong ginagamit na resources. Nakapukol siya ng 939 last hits, na 114 lang ang kulang para pantayan ang pinagsamang 1,053 last hits ng kalabang Ursa at Invoker.

Ang Blink Dagger at defensive items ni TORONTOTOKYO

Credit: Valve

Habang winawasak ni Yatoro ang top lane, konti na lang ang natirang option kay TORONTOTOKYO para mag-farm. At dahil kinailangan niyang kumuha ng risky positions, nag-build muna siya ng defensive na Eul’s Scepter of Divinity na hindi pangkaraniwan para sa mga core Queen of Pain.

Ang kanyang mga sumunod na item ay may parehong lohika–Kaya and Sange, Linken’s Sphere, Shiva’s Guard at Ghost Scepter na ginawa niyang Ethereal Blade.

Anim na beses lang namatay sina TORONTOTOKYO at Yatoro, na nakakamangha lalo na’t nakakuha ang Na’Vi ng 54 kills. Nakakuha rin sila ng pinagsamang 1,683 last hits, na hindi nalayo sa 1,807 na kabuuang last hits ng Na’Vi.

Hindi rin naman nagpahuli ang ibang miyembro ng Spirit kaya lang hindi sila nakasabay sa farm dahil sa lumiliit na mapa. Kaya naman nag-build din sila ng sari-sarili nilang Eul’s Scepter.

Eul’s Scepter of Divinity para sa opensa at depensa

Naibaliktad ng Team Spirit ang sitwasyon nang mag-smoke ang Natus Vincere ngunit naging aberya para sa kanila. Na-kite ng Spirit ang Ursa ni Alik “V-Tune” Vorobey gamit ang multiple Eul’s at Blinks maging ang pixel-perfect Nature’s Grasp mula sa Treant Protector ni Miroslaw “Mira” Kolpakov.

Sinimulan ng clash na ito ang ilang comeback attempts ng TI10 champs at siyempre ang “tip me guys” classic all chat ni TORONTOTOKYO.

Ang Eul’s Scepter ang pinakamaiging option para matanggal ang silence dahil na rin sa mura ito. Pero naging mabisang offensive item rin ito para ma-kite ng Spirit ang Ursa ni V-Tune. Dahil ‘di naaapektuhan ng status resistance ang Eul’s, madalas na nauubos ang Enrage ulti ng Ursa.

Sa pagtatapos ng laro, 18 beses na-Eul’s ang Ursa (isang beses na-Wind Waker) kaya naman nagsayang siya ng kabuuang 47.5 seconds sa ere.

Bumili din ang Spirit ng mas marami pang defensive items tulad ng Lotus Orb, Ghost Scepter at Ethereal Blade.

Sa isang team fight sa 45th minute, na-survive ni TORONTOTOKYO ang Fiend’s Grip, dalawang Primal Roar, Abyssal Blade, Tornado, Chaos Meteor, Deafening Blast at na-bait niya rin ang tatlong BKB salamat na rin sa kanyang Linken’s, Spell Block talent at kahandaan nila Mira at Collapse sa paggamit ng Lotus.


Sa huli, hindi naging sapat ang malupit na itemization ng Team Spirit

Screenshot ni Dexter Tan Guan Hao/ONE Esports

Bagamat nakabalik sila mula sa pagkakadehado sa laro, hindi naging sapat ang itemization ng Team Spirit para makumpleto nila ang comeback.

Pumalya na ang Plan A sa laning stage pa lang at ang kanilang defensive items ang nagsilbing backup. Naiwasan nilang mamatay nang madalas pero kinailangan lang ng offensive plan ng Na’Vi na gumana nang isang beses para tuluyang tapusin ang laro.

Gayunpaman, ang matapang na performance ng Team Spirit sa isang napakahirap na laro at ang kanilang mabilis na pagbawi sa sumunod na dalawang laro para makuha ang reverse sweep kontra Na’Vi ay isang patunay ng kanilang matibay na mentalidad.

Mukhang gutom pa rin ang TI10 champs na manalo kahit pa tapos na nilang makuha ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng esports.


Para sa mga istorya tungkol sa Dota Pro Circuit, sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Salin ito ng orihinal artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.