Kailangan mag-recruit ng Tundra Esports ng bagong support player matapos ‘di umanong sipain si Adrian “Fata” Trinks mula sa kanilang koponan.
Sa anunsyo na inilathala sa opisyal na Twitter account ng organisasyon, inamin nilang hindi naging madali ang desisyon na tanggalin si Fata sa Tundra Esports.
“This has been a difficult decision but we want to make sure our team has the best possible chemistry to improve our performance this year,” sulat nila.
Ani rin nila, importante ang naging parte ni Fata sa Tundra Esports. Nangako rin ang ang koponan na iaanunsyo nila sa mga susunod na araw ang papalit sa inalis na German player.
Sa kabila ng inilathalang pahayag, isiniwalat naman ni Fata na desisyon ng mga player ang pagkakasipa sa kanya mula sa koponan.
Fata: “I have been kicked from Tundra”

Ipinaliwanag ni Fata na nagkaroon na ng mga naunang pagtatangka na tanggalin ang ibang player sa koponan para sa parehong manlalaro na ipapalit sa kanya, ngunit tinanggihan niya ito.
“I’m what sure what to take from this,” Tweet niya. “I’m not perfect, but I can honestly say I fought for the constant improvement of this team.”
Dahil sa pagkakasipa ni Fata sa Tundra Esports, iniisip na rin ng 28-taong-gulang na manlalaro na magpahinga muna mula sa competitive Dota 2 scene.
“I dont have the energy to start from zero again,” paliwanag niya.
Ang kampanya ni Fata sa Tundra Esports

Unang nabuo ang Tundra bilang mudgolem. Mabilis sumikat ang koponan sa Europe matapos nilang tuldukan ang 20-series win streak ng Team Secret noong Oktubre 2020 sa ESL One Germany. Isa si Fata sa mga orihinal na miyembro ng mudgolem na naging Tundra Esports.
Bukod dito, nakasungkit din ng kampeonato ang Tundra Esports sa ESL One Fall 2021 at OGA Dota PIT Season 5: Europe/CIS, kung saan tinalo nila ang Team Spirit na kaka-champion lang sa The International 10.
Tinapos naman ng koponan ang kanilang kampanya sa Dota Pro Circuit 2021-2022 WEU Tour 1 Division 1 sa ikatlong puwesto para madaig ang mga koponan gaya ng OG, Team Secret, at Nigma Galaxy.
Sa kasagsagan ng balita tungkol sa pagkaka-kick kay Fata sa Tundra Esports, mainit naman ang naging tweet ng dating offlaner ng OG na si Sébastien “Ceb” Debs.
Kasalukuyang roster ng Tundra Esports para sa DPC 2021-2022 Tour 2 Division 1
- Oliver “skiter” Lepko
- Leon “Nine” Kirilin
- Neta “33” Shapira
- Jingjun “Sneyking” Wu
- TBD
- Kurtis “Aui_2000” Ling (coach)
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.