Patuloy ang roster shuffle para sa mga teams na hindi nakapasok sa The International 10. Sa Southeast Asia, nagpaalam ang Team SMG kay Damien “Kpii” Chok.

Isa nang free agent si Kpii, ang dating TI7 runner-up na kabilang sa Newbee.

Team SMG nagpaalam na kay Kpii

Dota2 Team SMG Kpii
Credit: Team SMG

Sumali si Kpii sa Team SMG bilang offlaner noong April, bago magsimula ang 2021 DPC season. Ito ang unang pagsabak ng organization sa Dota 2 scene.

Nilayon nilang makipagsapalaran laban sa mga pinakamahuhusay na teams sa Southeast Asia, ngunit nabigo silang mag-qualify para sa DPC 2021 SEA Upper Division.

Dota2 TNC Predator Kpii MDL Chengdu Major
TNC Predator and Kpii win the MDL Chengdu Major
Credit: MDL

Unang nakapasok ang organization sa DPC nang mag-qualify ang kanilang squad para sa ikalawang season ng DPC 2021 SEA Lower Division, kung saan nagtapos sila bilang runner-up.

Mula noon, nagsimula nang mag-compete ang kanilang roster sa mga online events, at sa wakas ay nanalo sila sa kanilang unang event nang talunin nila ang Team Magma 3-2 sa OB.Moon Asia Arena.

Team SMG Dota 2 roster

Dota2 Team SMG Dota2 Roster
Credit: Team SMG
  • (1) Yeik “MidOne” Nai Zheng
  • (2) Kam “Moon” Boon Seng
  • (3) TBD
  • (4) Tue “ah fu” Soon Chuan
  • (5)Roger “Roddgeee” Tan Boon Thye

Ninanais ngayon ng Southeast Asian esports organization na mas palakasin pa ang kanilang roster sa pagpasok ng 2022 DPC season.

Sa pagsisismula ng The International 10, makakaasa ang mga fans ng marami pang roster change sa mga darating na linggo.

Alamin kung paano nakapasok ang ibang teams sa The International 10  sa Heroes of the Game documentary presented by Foodpanda.

Ang akdang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na katha.