Inilabas na sa wakas ng Valve ang lineup para sa The International 10 group stage, kung saan nahati sa dalawang pangkat ang 18 koponang kalahok.

Gaganapin ang TI10 Group Stage simula ikapito hanggang ika-10 ng Oktubre. Ang mga koponan sa Group A at Group B ay makikipagbakbakan sa round-robin bracket.

Ang top four sa bawat pangkat ay aabante sa winner’s bracket ng main event na magsisimula sa ika-12 ng Oktubre. Ang susunod na apat naman ay masi-seed sa lower bracket habang ang koponang nasa ibaba ng standing ay matatanggal sa turneo.

Ang opisyal na TI10 Group Stage lineup

TI10 Group Stage lineup

Group A

  • Alliance
  • Team Aster
  • Evil Geniuses
  • Invictus Gaming
  • OG
  • T1
  • Thunder Predator
  • Team Undying
  • Virtus.pro

Group B

  • Beastcoast
  • Elephant
  • Fnatic
  • PSG.LGD
  • Quincy Crew
  • SG e-sports
  • Team Secret
  • Team Spirit
  • Vici Gaming

Fnatic at PSG.LGD, magkasama sa Group B

Bagamat nagkahiwalay sa grouping ang dalawang pambato ng Southeast Asia, nakasama naman ng Fnatic sa Group B ang PSG.LGD, isa sa mga koponang inaasahang manalo sa turneo.

Nakapasok ang Fnatic sa TI10 mula sa Southeast Asia qualifier. Bigo kasi ang mga ito na makapagpakitang-gilas noong ONE Esports Singapore Major 2021, habang hindi naman ito nakadalo noong WePlay AniMajor, ang huling Major tournament ng taon.

Credit: WePlay AniMajor

Samantala, ang PSG.LGD naman ay ang ikalawa sa may pinakamaraming Dota Pro Cicuit points na naipon ngayon taon. Ang koponan mula China rin ang hinirang na kampeon sa Kyiv Major at dalawa pang non-DPC tournament na ginanap bago ang TI10.

Nakatakdang magharap sa TI10 Group Stage ang Fnatic at PSG.LGD sa Biyernes, ikawalo ng Oktubre, sa ganap na ika-pito ng gabi.

Masusubaybayan ang bakbakan sa TI10 Group Stage sa opisyal na YouTube at Twitch channels ng The International.


Alamin kung paano nakapasok ang ibang koponan sa The International 10 sa Heroes of the Game documentary hatid ng Foodpanda.


BASAHIN: Ang opisyal na TI10 Teams Tier List ni Noxville