Naghahanap ka ba ng tulong para sa ONE Esports Fantasy TI10 Challenge? O gusto mo lang malaman mula sa tanyag na Dota statsman na si Ben “Noxville” Steenhuisen ang naiisip niya tungkol sa tsansang manalo ng paborito mong koponan sa The International? Narito ang opisyal na TI10 Teams Tier List ni Noxville.


Dahil ang ONE Esports Fantasy Challenge ay halos tungkol sa paghula ng placement ng mga koponan, maaari kang matulungan ng tier list na ito na malampasan ang decision paralysis. Ang mga ito ay malawak na gabay lamang pero ang pagkakaroon ng masusing pagpili ay pwedeng makatulong sa’yo na makuha ang panalo at ang US$500 worth na Steam vouchers!


TI10 Teams Tier List ni Noxville

S-Tier

Credit: WePlay! AniMajor

Walang kuwestiyon na ang PSG.LGD, Evil Geniuses at Team Secret ang mga malinaw na paborito sa torneong ito.

Ngunit ang pag-ranggo sa kanila ay nakakalito. Kung tingin mo ay tinggal ng Secret ang kanilang mga paa sa gas pedal matapos maka-qualify para sa TI, maaaring humilig ka sa pag-ranggo sa kanila nang mas taas. Ang EG naman ay consistent pero naglaro lamang sa mga DPC event. Consistent din ang LGD at sumali sa maraming third-party event (kung saan maganda ang kanilang ipinakita kahit na wala ang kanilang mid laner).

A-Tier

Credit: ONE Esports

Nasa tier na ito ang iba pang Chinese team, una na ang Vici Gaming. Nagtapos sila sa 7/8th place sa ONE Esports Singapore Major, 4th sa WePlay AniMajor at nakakuha ng samu’t-saring top three finishes sa mga local tournament. Kung papipiliin ako ng isang koponan na iaangat sa S-Tier, sila ‘yon.

Ang Team Aster ay bumida sa mga Chinese competition pero bumulusok sa Majors (6-15 aggregate game record). Kung ang preparasyon nila ay naging mabisa laban sa mas international range na mga kalaban, maaaring nakakatakot ang koponang ‘to. Kamakailan ay tinamaan sila ng COVID pero walang balita kung gaano ito kalala. Kung papipiliin naman ako ng koponan na ibababa sa B-Tier, sila ‘yon.

Pumasok ang Team Elephant bilang pinaka-hyped na koponan sa DPC pero kalaunan ay naglaho. Naniniwala ako na sila ay dark horse pa rin at ang kanilang clinical performance sa Regional Qualifiers ay pinasilip tayo sa kanilang potensyal. Sila ang koponan na malamang ay ibinababa dahil sa lakas ng kanilang rehiyon.

Pinagharian ng Invictus Gaming ang ONE Esports Singapore Major pero mula noon ay hindi nila nareplika ang kanilang laro at nagtapos pa nga sa 15th sa ikalawang Major. Gaya ng Team Secret conspiracy theory, maaaring ito rin ay kaso na tinanggal ng IG ang kanilang paa sa gas matapos masiguro ang TI invite. Solidong koponan pa rin sila at naipakita na nila na kaya nilang talunin ang pinakamagaling–na ang husay ay hindi nawawala sa isang magdamag.

Merong dalawang non-Chinese team na natitira sa kategoryang ito. Ang Virtus.Pro ang mukhang polarizing pick para sa maraming analyst–sila ay batang koponan na hindi takot maglaro ng nakakasabik at mapanganib na Dota. Ang kanilang kabuuang resulta sa Majors ay hindi maganda pero natalo sila tatlong mahuhusay na koponan (Nigma, Vici Gaming at LGD). Ang tanging upset para sa’kin ay ang pagkatalo nila sa Thunder Predator.

Medyo alanganin ako sa T1 dahil naniniwala akong ang mga resulta nila ay talaga namang may halong swerte. Hindi nakalaro si kapitan Kuku sa unang Major. Sa pangalawang Major naman ay nanalo sila ng dalawang serye (Aster at Quincy) at biglang third place agad sila. Kung tutuusin, ang pag-iskor kontra sa PSG.LGD at EG sa kanilang playoff losses ay mas mabigat pa kaysa sa kanilang series wins.

B-Tier

Credit: Valve

Kung hindi dahil sa biglaan at nakakapanlumong balita tungkol kay Ceb, siguradong nasa A-Tier ang OG. Sa perspektibo ng isang outsider, ang kanyang pamumuno at pagbibigay ng motibasyon ay napakahalaga sa kanilang team identity at tagumpay. Maaaring kasama siya sa coaching role (kung hindi man playing role sa torneo) pero ang pagsubok ay talaga namang nakagambala sa kanilang preparasyon para sa TI.

Nagtapos sa top 8 ang beastcoast squad sa TI9 (bilang parte ng Infamous) pero tahimik noong nakaraang taon. Inantala ng COVID ang kanilang pagsali sa Singapore Major at sa AniMajor ay hindi maganda ang kanilang ipinakita matapos malaglag sa Groups (3-11 record sa games). Ang tanging dahilan kaya hindi sila nasa mas mababang tier ay ang kanilang tagumpay sa nakaraang TI. Gayunpaman, ang LAN experience (lalo na sa isang TI) ay napakahalaga.

Parehong may gustong patunayan ang Quincy Crew at Undying pagdating sa depth ng North American Dota. Hindi pa nakakalaro ang Undying sa isang LAN event at ang top 6 finish naman ng Quincy sa AniMAjor ay bunga ng magandang Playoff Bracket draw. Pero ang dalawang team na ‘to ay nasa upward trend buong season pagdating sa kanilang performance at ang pagtalo sa EG ay talaga namang hindi biro. Mas positibo ako sa Quincy–sila ay isang grupo na magkakakasama na nang matagal at siguradong meron sila ng lahat ng out-of-game qualities na kailangan sa TI.

Nakapagtala ang Team Spirit ng top 8 finish sa AniMajor ngunit sa sobrang nipis na tsansa–isang tiebreaker kontra sa Liquid para makawala sa groups na sinundan ng panalo laban sa Alliance sa lower bracket. Nakapanalo sila ng ilang games laban sa LGD, TNC, EG at Vici sa groups kaya marahil ay kaya nilang lagpasan ang mga expectation sa kanila.

C-Tier

Credit: ONE Esports

Meron akong apat na koponan sa C-tier: Alliance, Thunder Predator, Fnatic at SG Esports.

Malakas ang Alliance pagdating sa rehiyon pero pumalyang ipakita ito sa Majors. Sa Singapore, kulelat sila sa group stage at maagang natanggal (4-10). Sa AniMajor naman ay seeded sila sa winner’s bracket kung saan ay minalas silang makatapat ang PSG.LGD. Tuluyan silang pinauwi ng Team Spirit.

Malupit ang naging kampanya ng Thunder Predator sa Singapore Major. Nangunguna sila pagdating sa paggamit ng karamihan sa heroes at ang playstyle nila ay tila isang ‘di mapigilang tren–hanggang sa nakalaban nila ang Team Secret at pinahinto sila. Ngunit mula noon, ‘di na sila nakapagpakitang-gilas muli.

Nakapasok ang Fnatic sa isang Major lamang kung saan tinalo sila ng OB.Neon (na may stand-in). Naka-qualify sila sa TI laban sa TNC, na sa tingin ko ay mas kayang makipagsabayan sa international set ng mga koponan. Hindi sila nakulelat sa OGA Dota Pit Invitational pero hindi nito binago ang aking opinyon tungkol sa kanila.

Hindi inaasahang makapasok ang SG sa pamamagitan ng regional qualifiers pero ang performance nila bago at matapos ‘yon ay paiba-iba.


Tiebreaker advice para sa TI Challenge

Ang ONE Esports TI10 Fantasy Challenge ay merong nakakalitong set ng tiebreaker questions:

  • Tiebreaker 1: Ilang kills ang makukuha ng Champion Team sa Grand Finals?
  • Tiebreaker 2: Ilang match ang lalaruin sa Grand Finals?

Sa ngayon, merong average na 52.36 kills per game. Base sa kasaysayan, ang mga laro sa TI ay malapit sa patch average kaya pwede natin ito gawing 50. Kung titignan ang TI8 at TI9, ang winning team ay merong ~1.85x ng bilang ng kills ng loser.

Kung sa tingin mong ang score ay 3-0, isang reasonable guess ay 97 kills. Kung sa tingin mo naman ay 3-1 ang scoreline, 155 kills. At kung nakikita mong hahantong sa 5-game series, dapat nasa bandang 133 kills ang winner. Ito ay siyempre kung iniisip mong magiging noirmal ang finals!


Pagsasalin ito sa Filipino ng orihinal na akda ni Ben “Noxville” Steenhuisen.