Noong The International 10, itinuloy ng Valve ang pagpapalabas ng serye nilang pinamagatang “The International Archive”.

At isa sa mga episode na ipinalabas noong nagdaang Dota 2 world championship ay ang kwento sa likod ng misclick sa draft ni Aydin “iNSaNiA” Sakohi, na noo’y kapitan para sa Alliance, kontra Royal Never Give Up noong TI9.


Misclick ni iNSaNiA tampok sa The International Archive

Misclick ni iNSaNiA tampok sa The International Archive
Credit: Valve

Nangyari ang misclick ni iNSaNiA sa unang round ng lower bracket playoffs. Habang nagda-draft kontra RNG, kailangan sana nilang mag-ban ng carry, at pumili ng offlane para makumpleto ang kanilang lineup.

Gusto sanang i-ban ni iNSaNiA ang Naga Siren pero naisip nilang hindi pumi-pick nito ang kanilang kalaban, kaya’t sa Gyrocopter na lang sana nila ilalaan ang huling ban slot.

Sa kasamaang palad, naubos na pala ang reserved time ng Alliance para sa ban phase, kaya imbis na ma-ban ang Gyrocopter, na-pick ito ni iNSaNiA para sa kanila.

Credit: Valve

Napansin ng support ng RNG na si Zhang “LaNm” Zhicheng ang misclick ni iNSaNiA at hindi ito ang nais i-draft ng Alliance. Nag-adjust na lang ang Alliance sa paggamit kay Gyrocopter bilang carry at ginawa na lang offlane ang nauna nilang Faceless Void pick.

Kahit hindi sadya, nagawa pa rin ng Alliance na bigyan ng dikit na laban ang RNG. Nagkatalo lang noong bandang ika-41 minuto ng laban kung saan nanalo ang Chinese team sa isang malaking team fight.


Ipinakita sa The International Archive kung paano nga ba mag-adjust ang mga pro sa pagkakamali

Ipinakita sa The International Archive kung paano nga ba mag-adjust ang mga pro sa pagkakamali
Credit: Valve

Sa kabila ng misclick ni iNSaNiA, agad namang nagpabatid ng suporta ang ibang miyembro ng Alliance.

Mabilis na umisip ang kanyang mga kakampi kung paano pagaganahin si Gyrocopter sa draft nila, at anong role ang mas nababagay para dito.

Ika nga ng Dota 2 caster na si Austin “Capitalist” Walsh, “What they do when they are put into this near-impossible situation, their first reaction is ‘it’s ok, we can figure this out’. I thought that was a beautiful moment.”

Matapos ang kanilang 13th-16th place finish noong TI9, nagdesisyon ang roster ng Alliance na manatili. Sa ngayon, naglalaro na para sa Team Liquid ang koponan.

BASAHIN: Team Liquid na si Zai matapos umalis sa Team Secret