Team Liquid na ang bagong tahanan ni Ludwig “Zai” Wahlberg matapos nitong umalis sa Team Secret.

Ilang oras lang ang lumipas simula noong ipabatid ng Team Secret ang kanilang pamamaalam sa batikang offlaner nang ianunsyo naman ng Team Liquid na sa kanilang organisasyon ito susunod na mamamayagpag.

Bagamat kinumpirma na rin ito ni Zai sa una niyang tweet ngayong taon, hindi pa tukoy sa ngayon kung anong posisyon ang kanyang gagampanan sa Team Liquid. Kumpleto pa rin kasi ang miyembro ng koponan na huling naglaro noong ESL One Fall 2021.

Dota 2 roster ng Team Liquid

  • Michael “miCKe” Vu
  • Maximilian “qojqva” Bröcker
  • Samuel “Boxi” Svahn
  • Tommy “Taiga” Le
  • Aydin “iNSaNiA” Sarkohi
  • Ludwig “zai” Wahlberg

Ang pag-alis ni Zai sa Team Secret

Tatlong taon naging parte ang tanyag na manlalaro bago ito pakawalan ng Team Secret noong ikatlo ng Nobyembre. Sa isang opisyal na pahayag, nagpasalamat si Zai sa lahat ng mga bumubuo sa organisasyon.

“My second stint for this team went significantly better than the first one, but I’ll have to say [goodbye] to Team Secret one more time as I head in a new direction,” sulat niya.

Pamamaalam ni Zai sa Team Secret
Credit: Team Secret

Naunang maging miyembro ng koponan si Zai noong 2015 bago lumipat sa Evil Geniuses noong sumunod na taon. Bumalik ang 24-taong-gulang na manlalaro sa Team Secret noong 2018, kung saan niya nakamit ang tatlong Major championships, kabilang na ang third place finish noong nagdaang The International 10.

Nagbigay din ng pahayag ang kapitan ng koponan na si Clement “Puppey” Ivanov ukol sa pag-alis ng kanilang offlaner:

“It is a sad moment, but I have to accept that all good things come to an end. I have nothing but love for this man, not only is he an amazing and persistent teammate, he is also a great friend. No matter where you go and what you do, I am sure you’ll find success. I wish you nothing but the best.”

Samantala, ibubunyag pa ng Team Secret kung sino ang papalit sa posisyong iniwan ni Zai sa koponan.

Dota 2 roster ng Team Secret

  • Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen
  • Michal “Nisha” Jankowski
  • Yazied “YapzOr” Jaradat
  • Clement “Puppey” Ivanov

BASAHIN: Cr1t- sinabing hindi papakawalan ng Evil Geniuses si Abed