Ngayong ilang araw na lang bago magsimula ang The International 10, naisipan naming balikan ang bawat koponan na nanalo sa Dota 2 world championship.

Pinapakita rin sa listahan na ‘to ang pagtaas ng perang papremyo sa torneo sa mga nakalipas na taon dahil nga naman sa patuloy na pagtulak ng Valve at ng community para madagdagan ito sa kada torneo.


Ano ang The International?

Ang The International ang taunang Dota 2 world championship tournament ng Valve kung saan nagsasagupaan ang pinakamalalakas na Dota 2 teams para sa titulo at sa pinakamalaking prize pool sa lahat ng esports.

Ang TI10 ngayong taon ay merong makalaglag-pangang prize pool na US$40,018,195 at iuuwi ng kampeon ang US$18,208,300 mula dito.
Ang TI ang torneo na pinapangarap maipanalo ng bawat Dota 2 professional player.


TI winners sa mga nakalipas na taon

EVENTWINNERGRAND PRIZE EARNINGS
TI1Natus VincereUS$1 million
TI2Invictus GamingUS$1 million
TI3AllianceUS$1,437,190
TI4NewbeeUS$5,025,029
TI5Evil GeniusesUS$6,634,661
TI6Wings GamingUS$9,139,002
TI7Team LiquidUS$10,862,683
TI8OGUS$11,234,158
TI9OGUS$15,620,181

TI1 winner: Natus Vincere

TI1 champions: Dendi, Artstyle, Puppey at XBOCT ng Natus Vincere
Credit: Valve Corporation

Ginanap ang T1 sa GamesCom sa Cologne Germany kung saan hinirang ang CIS squad na Natus Vincere bilang kauna-unahang nanalo ng The International noong 2011 sa pamamagitan ng pagtalo sa EHOME, 3-1.

Kabilang sa koponan na ‘to ang Dota 2 legend na si Clement “Puppey” Ivanov na tanging player sa kasaysayan na nakalaro sa bawat TI.

Inuwi ng Na’Vi ang US$1 million grand prize mula sa US$1.6 million prize pool ng TI1.


TI2 winner: Invictus Gaming

TI2 champions: ChuaN, YYF, Ferrari_430, Faith at Zhou ng Invictus Gaming
Credit: Valve Corporation

Idinaos ang TI2 sa Benaroya Hall sa Seatte, Washington kung saan ang kinatawan ng China na Invictus Gaming matapos nilang pabagsakin ang TI1 champion Natus Vincere, 3-1.

Nakuha ng IG ang US$1 million grand prize mula sa US$1.6 million prize pool ng TI2.


TI3 winner: Alliance

TI3 champions: Loda, s4, EGM, Akke at AdmiralBulldog ng Alliance
Credit: Valve Corporation

Sa TI3 pinakilala ng tournament organizers ang Dota 2 Compendium na dinagdagan ang base prize pool ng US$2.50 kada bili nito.

Tampok sa naturang torneo ang isa sa pinaka-malupit na grand final matches sa pagitan ng European team na Alliance at TI1 championship squad na Natus Vincere.

Pinangibabawan ng Alliance ang Natus Vincere, 3-1, sa isa sa mga pinaka-maaksyong bakbakan sa kasaysayan ng TI at lalong pinasikat ang Dota 2 sa buong mundo.

Nasungkit ng Alliance ng US$1,437,190 grand prize mula sa US$$2,874,380 prize pool ng TI3.


TI4 winner: Newbee

TI4 champions: Banana, Mu, Hau, xiao8 at SanSheng ng Newbee
Credit: Valve Corporation

Kasabay ng pagsikat ng Dota 2 at ng The International, nilipat ng Valve ang torneo sa KeyArena sa Seattle, Washington.

Sa torneong ito pinamalas muli ng China ang kanilang dominasyon matapos talunin ng Newbee ang Vici Gaming sa grand final sa iskor na 3-1.

Kumita ang Newbee ng US$5,025,029 mula sa kabuuang US$$10,923,977 prize pool ng TI4.


TI5 winner: Evil Geniuses

TI5 champions: UNiVeRsE, Aui_2000, ppd, fear, SumaiL ng Evil Geniuses
Credit: Valve Corporation

Sa ikalimang edisyon ng The International nangyari ang kauna-unahang panalo ng North American matapos padapain ng Evil Geniuses ang Chinese team na CDEC Gaming, 3-1.

Sa TI5 din napagdesisyunan ng Valve na baguhin ang prize allocation ng torneo sa pamamagitan ng pagkalat nito para lahat ng koponan ay makakakuha ng sapat na pera.

Nakakuha ang Evil Geniuses ng US$6,634,661 na lion share ng TI5 prize pool na $18,429,613.


TI6 winner: Wings Gaming

TI6 champions: Faith_bian, iceice, shadow, y at bLink ng Wings Gaming
Credit: Valve Corporation

Ang The International 2016 ang ikatlong sunod na taon na isinagawa ng Valve ang torneo sa KeyArena. Ito rin ang taon kung kailan napagdesisyunan ng Dota 2 game developers na ipalit sa Compendium ang Battle Pass na nag-contribute ng 25% ng kabuuang kita nito sa prize pool.

Tampok sa TI6 ang ikatlong Chinese TI winner, ang Wings Gaming na pinatumba ang Digital Chaos, 3-1, sa grand final.

Naibulsa ng Wings ang US$9,139,002 grand prize mula sa $20,770,460 prize pool ng TI6.


TI7 winner: Team Liquid

TI7 champions: KoroKy, MATUMBAMAN, MinD_ContRoL, Miracle- at GH ng Team Liquid
Credit: Valve Corporation

Noong 2017, napagdesisyunan ng Valve na dagdagan ang kabuuang bilang ng mga koponan mula sa 16 patungong 18.

Pinagharian ng European squad na Team Liquid ang TI7 matapos walisin ang kinatawan ng China na Newbee, 3-0, sa grand final. Inuwi ng Liquid ang US$10,862,683 grand prize mula sa US$$24,787,916 prize pool.


TI8 winner: OG

TI8 champions: N0tail, Ceb, Topson, JerAx at Ana ng OG
Credit: Valve Corporation

Dumako ang The International 2018 sa Vancouver, Canada at pinakita ang point-based system ng Valve gamit ang DPC Major at Minor tournaments. Ang mga puntos na ito ang nagpa-qualify sa mga koponan sa TI8.

Kinumpleto ng OG ang kanilang makasaysayang Cinderella run nang pataubin nila ang Chinese team na PSG.LGD, 3-2, sa grand final. Nanalo ang OG ng grand prize na US$11,234,158 mula sa US$25,532,177 prize pool ng TI8.


TI9 winner: OG

TI9 champions: OG
Credit: Valve Corporation

Makasaysayan ang The International 2019 dahil ito ang unang beses na kinoronahan ang two-time, back-to-back champion na OG.

Tinalo nila Johan “N0tail” Sundstein at ng mga kasamahan niya sa OG ang kapwa European squad na Team Liquid sa grand final, 3-1.

Nakuha ng OG ang US$15,620,181 grand prize mula sa napakalaking prize pool ng TI9 na nasa $34,330,068.


Nagustuhan mo ba ang artikulong ito? Panoorin ang Heroes of the Game hatid ng foodpanda para sa mas marami pang malulupit na aksyon sa Dota 2.

Ito ay pagsasalin mula sa orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.