Muling pinaalalahanan ni Magomed “Collapse” Khalilov ang buong mundo kung gaano nga ba ka-OP ang Magnus kapag siya ang gumagamit.
Sa isang laban kontra Nigma Galaxy sa Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022, muling inilabas ng Team Spirit ang signature hero ng kanilang offlaner.
Nagkaroon pa nga ng pagkakataon kung saan nangibabaw ang manlalaro sa isang two-versus-one situation salamat sa isang Dark Troll Summoner at Skeleton Warriors na kinuha niya gamit ang ni-rush na Helm of Dominator.
Paano binaliktad ng Magnus ni Collapse ang isang gank
Katapat ng Magnus ni Collapse ang level eight na Chaos Knight ni Igor “iLTW” Filatov at level six na Disruptor ni Kuro Salehi “KuroKy” Takhasomi sa nasabing sitwasyon.
‘Pag nabatuhan ka na ng skill, kadalasang reaksyon ay ang mag-Skewer palayo. Pero dahil si Collapse nag naglalaro, mas pinili niyang pumalag kontra dalawang kalaban.
Agad niyang pina-atake ang na-Dominate na Dark Troll Summoner para bawasan ang Chaos Knight habang stunned siya ng Chaos Bolt nito. Napakalahati nito ang buhay ng kalabang carry kaya naman nakipaghampasan na si Collapse lalo na noong mapansin niyang mas mabilis nalulusaw ang buhay ng kanyang kalaban.
Nakatulong din ang suot na Chipped Vest ng Magnus ni Collpase. Dagdag benepisyo rin para sa Dark Troll at hero ang stacks ng Rally, ang bagong skill na ibinigay para sa mga Skeleton Warriors noong patch 7.31. Nagbibigay kasi ito ng dagdag three damage kaya pasakit nang pasakit ang hampas ng dalawa kahit pa busy sa tower ang mismong Skeletons.
In-Empower pa nga ng Magnus ni Collapse ang Dark Troll Summoner sa kalagitnaan ng pakikipaghampasan bago i-Reverse Polarity ang Chaos Knight. Tinuluyan ng na-Dominate na neutral ang kalaban matapos mapababa ng Skewer at Shockwave ang buhay nito, kahit pa nakapagpahabol si iLTW ng Chaos Bolt.

Wala namang magawa ang Disruptor ni KuroKy kung hindi panoorin kung paano ma-outplay ang kanyang kakampi. Naibato na rin kasi niya ang Static Storm bago dumalaw.
Sa tulong ng Magnus ni Collapse, nasakyan ng Team Spirit ang maagang kalamangan para manalo kontra Nigma Galaxy at makapasok kalaunan sa play-in ng Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: DPC EEU Spring Tour ipinagpaliban muna sa gitna ng Ukraine-Russia war