Ipinaliwanag ni Aydin “iNSaNiA” Sarkohi ang isang inside joke tungkol sa minimap meme ni Syed Sumail “SumaiL” Hassan habang kina-cast ang laban ng OG at T1 noong group stages ng The International 10.

Kinagigiliwan ng fans ang pagiging parte sa panel ni iNSaNiA dahil bukod sa mga insight niya tungkol sa laro, nakakapagkwento rin siya ng mga nangyayari behind-the-scenes.

Ang istorya sa likod ng minimap meme ni SumaiL

Ang istorya sa likod ng minimap meme ni SumaiL ayon kay iNSaNiA
Credit: ONE Esports

Ayon kay iNSaNiA, nagsimula ito noong naglalaro pa para sa Team Liquid si SumaiL. May isang pagkakataon daw kung saan ang perspective ng OG carry player ang pinapanood ng kanilang coach na si William “Blitz” Lee at nakita niyang may paparating na gank sa mid lane.

Inasahan daw ni Blitz na magba-back, magti-TP sa ibang lane, o magtatago ang naturang manlalaro dahil hagip ng vision ng wards ang naturang gank attempt.

Pero sa ‘di inaasahang pagkakataon, naging matagumpay ang pagpitas kay SumaiL dahil ‘di niya pala ito nakita.

Dahil dito, biniro siya ni Blitz na gamitin ang minimap dahil daw “it’s good”.

Sa insidenteng ito na nangyari sa Team Liquid ang pinagmulan ng minimap meme ni SumaiL.


Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: TI10 Group Stage: Riki ni Raven umarangkada kontra Secret, Fnatic sinelyo ang playoff spot