Patuloy ang roster shuffle para sa Team Secret matapos nilang ianunsyo na out na rin sa kanilang koponan si Lasse “Matumbaman” Urpalainen.
Matapos ang pag lipat ni Ludwig “zai” Wahlberg sa Team Liquid noong ika-apat ng Nobyembre, namaalam na rin ang tanyag na carry sa organisasyon matapos higit dalawang taon.

“Playing with the boys was a blast this past year. I appreciate each and every one of my (former) teammates, and would count each one of them a friend,” sulat ng Finnish Dota 2 superstar sa kanyang pamamaalam.
Sa isang statement, nagbigay din ng pasasalamat ang kapitan ng koponan na si Clement “Puppey” Ivanov sa 26-taong-gulang na manlalaro:
“Another chapter has ended, but never forgotten. Lasse is an amazing guy and I really enjoyed being teammates with him. We shared some great moments together and I am sure that we will keep crossing paths outside of our careers. Good luck to you Matu!”
Ang stint ni Matumbaman sa Team Secret

Marami-rami ring mga turneo ang napagtagumapayan ng Team Secret kasama si Matumbaman.
Sumapi ito sa koponan mula Chaos Esports Club noong 2019. ‘Di maipagkakaila ang tikas ng Team Secret matapos nitong iselyo ang mga kampeonato sa DreamLeague Season 13 Leipzig Major, kung saan tinalo nila ang Evil Geniuses sa iskor na 3-2.
kasama rin siya ng gumawa ng kasaysayan ang koponan noong nakaraang taon matapos nilang ipanalo ang 160 mula sa 195 games na kanilang nilaro noong 2020.

Tinapos ng koponan ang kanilang kampanya noong nagdaang season nang iselyo ang ikatlong puwesto sa The International 10. Nalaglag sila mula sa turneo matapos kapusin kontra naging kampeon ng paligsahan na Team Spirit.
Ngayong wala na sina zai at Matumbaman sa Team Secret, may hanggang Nobyembre 21 pa ang koponan para kumpletuhin ang kanilang roster at makasali sa unang DPC tour ng Dota 2.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.