Hindi na parte ng Dota 2 team ng Natus Vincere sina offlaner Viktor “GeneRaL” Nigrini at head coach Ivan “Artstyle” Antonov.

Ito na ang ikatlong beses na natanggal sa NAVI Dota 2 roster 25-year-old offlaner matapos sumali sa black and gold squad noong 2016 at muling sumapi noong 2020 at 2021.

Samantala, bagamat naalis sa NAVI Dota 2 roster, nanatili naman sa organisasyon ang 32-year-old veteran na si Artstyle, na bahagi ng kauna-unahang The International champion team mula sa Ukraine. Magkakaroon siya ng bagong role sa NAVI.

Inanunsyo ni captain-hard support Alexey “Solo” Berezin ang mga pagbabagong ito matapos ang “subpar results” na “not satisfactory” para sa koponan.

Captain Alexey “Solo” Berezin, announced the changes, following “subpar results” that were “not satisfactory.”

“Placing fifth in the CIS region is not the result we were after as a team,” wika ni Solo. “We messed up the first season and it didn’t go as planned.”

Dagdag pa ni Solo: “GeneRaL is a great teammate and I think nobody has any doubts about his offlane skills. We have totally different views on the game… this was the most obvious reason for this decision to make the change.”

Nagtapos sa ikalimang pwesto ang NAVI sa DPC Eastern Europe Tour 1 Division 1 hawak ang 3-4 series record nito at kinapos lang nang kaunti para makapasok sa DPC Winter Tour Regional Finals na pinagharian din ng Team Spirit.

Sa fifth place din bumagsak ang NAVI sa Dota 2 Champions League Season 7 kung saan nakatanggap sila ng direct seeding sa playoffs ngunit nanalo ng isang serye lamang.


Bagitong offlaner na si laise pasok sa NAVI Dota 2 roster

laise pasok sa NAVI Dota 2 roster
Credit: V-Gaming

Sinabi ni Solo na naghahanap sila ng isang offlaner na ang magiging pangunahing trabaho ay mag-create ng space para magbigay-daan sa “pretty greedy” playstyles nila carry Alik “V-Tune” Vorobey at midlaner Vladimir “No[o]ne” Minenko.

Kamakailan lang, kinuha ng NAVI ang 21-year-old offlaner ng V-Gaming na si Vladislav “laise” Lais (dating kilala bilang “destroyed”) bilang pamalit kay GeneRaL.

Tinulungan ni lais ang V-Gaming na makakuha ng fifth-place finish katabla ang NAVI sa 17-team na Dota 2 Champions League Season 7.

Ang NAVI Dota 2 roster sa pagpapatuloy ng DPC EEU

1 – Alik “V-Tune” Vorobey
2 – Vladimir “No[o]ne” Minenko
3 – Vladislav “laise” Lais
4 – Ilya “ALOHADANCE” Korobkin
5 – Alexey “Solo” Berezin

Magsisimula ang DPC EEU Tour 2 Division 1 sa ika-17 ng Marso at tatakbo ito hanggang ika-22 ng Abril.

Makakasagupa ng NAVI sa liga ang Team Spirit, PuckChamp, Virtus.pro, HellRaisers at Mind Games maging ang mga na-promote mula sa Division 2 na CIS Rejects at Winstrike Team.


Base ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.