Hindi naging maganda ang panimula ng Nigma Galaxy sa ikalawang Tour ng Dota Pro Circuit.

Matapos makipagbuno kontra COVID, tatlong serye ang nilaro ng koponan ni Kuro “KuroKy” Salehi Takhasomi sa ikatlong linggo ng DPC Western Europe 2021/2022 Tour 2 Division 1. Sa kasamaang palad, natalo sila sa lahat ng ‘to.

Dahil dito, 0-4 na ang record ng NGX at hindi na malabong malaglag sila sa Division 2. Isang mapa lang ang naipanalo nila sa apat na serye—isang tagumpay kontra top seed na Gaimin Gladiators, ang top seed ng turneo na may 4-0 na standing.

Isa rin sa mga talo nila ang nakapagbigay sa dating walang panalo na Brame ng una nilang panalo. Kaya ngayon, nasa ilalim ng standing ang koponan ni KuroKy at patuloy ang kanilang paghahanap sa una nilang panalo.

Sa totoo lang, nanganganib na ang Nigma Galaxy, pero hindi pa naman huli ang lahat.


Maaari pang maiwasan ng Nigma Galaxy ang ma-relegate sa Division 2

Oras na ba para mag-alala para sa Nigma Galaxy?
Credit: ONE Esports, OG, Team Liquid, and Valve

Bukod sa talo nila kontra Brame, galing sa mga top seed ng paligsahan ang kanilang mga talo: Gaimin Gladiators, OG, at Tundra Esports.

Bagamat hindi rin ganoon kadali ang magiging serye kontra Team Liquid at Team Secret, maaari pa ring magsilbing pag-asa ang mga ‘to para sa koponan. Parehong may dalawang talo ang Liquid at Secret kaya naman hindi posible para sa Nigma Galaxy na mapagtagumpayan ang mga laban kontra sa mga ito.

Dagdag patunay pa sa kakayahan ng koponan ang naging serye nila kontra Gladiators, kung saan sinigurado nilang pagpapaguran ng nasabing top seed ang bawat panalo nila.

Bukod sa mga higante ng European Dota, ang susunod na laban din ng NGX ay kontra Entity, isang pang team na galing sa Division 2 noong nakaraang tour. Nakapanalo ng mapa kontra Tundra at Gladiator ang koponan at naungusan din nila ang Brame. Magigins crucial ang kanilang serye kontra dito kung gusto nilang maiwasan ang demotion.

Kung makabawi ang koponan at makakuha ng 3-4 na record, mananatili sa Division 1 ang Nigma Galaxy. Mapapanatili rin nila ang kanilang tsansa na makipaglaban para sa huling Major ng season. Kung ma-relegate naman sila, ang regional qualifier na lang ang magiging daan nila patungo sa susunod na The International.


Anong mangyayari kung ma-relegate ang Nigma Galaxy ngayong Tour 2?

Oras na ba para mag-alala para sa Nigma Galaxy?
Credit: WePlay

Hindi na magkakaroong ng pagkakataong makapasok sa mga Major na gaganapin ngayong season ang mga koponang mare-relegate sa Division 2 ngayong Tour 2.

Ang tanging daan na lang ay mula sa regional qualifier o sa last-chance wildcard.

Bagamat nakakagimbala ang kalagayan ng Nigma Galaxy, siguradong alam ng kanilang mga fans ang kanilang galawan.

Medyo mahilig kasi sa comeback ang koponan. Ganito ang naging kwento nila noong TI7 noong Team Liquid pa sila. Ginapang nila ang lower bracket para mai-angat ang Aegis of Champions. Ganoon din noong TI9 matapos nilang i-eliminate ang pitong koponan para makatungtong sa grand finals.

Parehong galawan din ang kanilang ipinakita noong nagdaang tour matapos nilang magsimula sa 0-3 na record at magtapos sa 4-3 para maiwasan ang relegation.

Napatunayan din nilang ibang klaseng halimaw sila ‘pag dating sa LAN. Ginulat nila ang buong Dota 2 community matapos nilang magtapos sa ikatlong puwesto sa Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022.

Anong susunod na hakbang para sa Nigma Galaxy? Makapag-LAN. Kung pagbabasihan ang kanilang galawan, maaaring ang TI11 ang una at huling LAN ng koponan ngayong season.

Kailangan lang naman nilang makarating doon. At bahala na sila kung pano nila tayo pabibilibin.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ano ang Dota Pro Circuit?