Maglalaro ang Nigma Galaxy SEA kasama ang bagong hard carry sa gitna ng DPC 2021/2022 SEA Division I Tour 3.

Pansamantalang papalitan ni Randy Muhammad “Dreamocel” Sapoetra ang orihinal na pos 1 ng team na si Muhammad “inYourdreaM” Rizky. Ito ay karugtong nag anunsiyo ng koponan kamakailan. Ang dalawang players na kapwa rin Indonesians ay dating magkasama sa BOOM Esports at ZeroTwo.

Si Dreamocel na free agent simula ng kumalas mula sa BOOM noong August 2021, ay huling naglaro kasama ang The Apes E-Sport na bigong maka-qaulify sa Division II Tour 2.

Kasalukuyang may 1-4 kartada ang NGX Sea sa Division I. Nakuha ng team ang nag-iisang panalo kontra Polaris Esports, habang ang kanilang mga talo ay mula sa top teams ng liga na Fnatic, BOOM, T1 at Talon Esports. 


Roster ng Nigma Galaxy SEA para sa DPC 2021/2022 SEA Division I Tour 3

Credit: Predator Gaming

(1) Randy Muhammad “Dreamocel” Sapoetra (stand-in)
(2) Vincent “AlaCrity” Hiew Teck Yoong
(3) Galvin “Meracle” Kang Jian Wen
(4) Tri “Jhocam” Kuncoro
(5) Anurat “boombell” Praianun
(coach) Nicholas “xFreedom” Kelvin Ileto Lim

Kinakailangan ng team na makatapos bilang top 6 sa standings para mapanatili ang kanilang mga sarili sa Division 1 at makasali muli sa First Tour ng susunod na DPC Season.

Bagamat maliit na ang tiyansang maka-qualify sa Major, malaki ang maidudulot ng magandang performance nila sa kabuuan ng torneo ng sa gayon ay makakuha sila ng magandang seeding sa TI11 Regional Qualifiers. Iyon ay kung pareho parin ang format na susundin ng liga.

Kung babagsak ang Nigma Galaxy SEA sa Division II, mas matarik ang kailangan nilang lakbayin dahil magsisimula sila sa lower bracket.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Dota 2 veteran eyyou, kinuhang coach ng Polaris Esports