Nagpaalam na ang Team SMG sa kanilang hard support player na si Michael “ninjaboogie” Ross Jr., matapos ang tatlong buwan sa team.

Ang Southeast Asian organization, na kasalukuyang naglalaro sa Division I ng Dota Pro Circuit 2021/2022, ay nagpasalamat sa 30-anyos para sa kanyang “enthusiasm, hard work, and dedication” sa kanilang anunsyo.

Pero ang Filipino-American player ay humiling sa organisasyon na maging mas makatotohanan sa isang direct reply sa nasabing tweet.

“Tell them the real reason of the kick,” isinulat ng support player. Ayon sa player, nasipa siya mula sa team dahil sa malubhang kalagayan ng kanyang ina na nag-aagaw-buhay.

Inakala ng Team SMG na makakaapekto ito sa performance ni ninjaboogie

Ninjaboogie SMG
Credit: Team SMG

Ayon sa 30-anyos, sinipa siya ng team dahil inakala nila na makakaapekto sa laro niya ang pagpanaw ng kanyang ina. Ang kanyang ina, na sumakabilang buhay noong May 16, ay merong stage four cancer, kung kaya’t matagal niya nang alam na darating ang araw na ito.

“Imagine being fired from a job because you are about to lose a loved one,” isinulat ni ninjaboogie.

Ito ang ikalawang beses na sumali sa SMG ang 30-anyos, matapos ang sampung buwan na pahinga nang walang team.

May naiwang apat na players sa roster ng SMG, matapos mamaalam sa Filipino-American player.

  • (1) Yeik “MidOne” Nai Zheng
  • (2) Kam “Moon” Boon Seng
  • (3) Ryan “Raging Potato” Jay Qui
  • (4) Tue “ah fu” Soon Chuan
  • (Coach) Yap Chee “Kenchi” Loong

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.