Kinuha ng Team SMG ang batikang Dota 2 player na si Michael “Ninjaboogie” Ross para kumpletuhin ang kanilang roster para sa ikalawang tour ng Dota Pro Circuit Southeast Asia 2021-2022 Division 1.

Pinalitan ng naturang Cebuano si Roger “Roddgeee” Tan bilang hard carry ng koponan, ayon sa kanilang anunsyo na inilathala sa social media.

Ninjaboogie nagbabalik sa Team SMG

Balik-pro scene si Ninjaboogie bilang support ng Team SMG
Credit: Team SMG

Matatandaang isa si Ninjaboogie sa mga orihinal na miyembro ng Team SMG noong mabuo ito noong Enero 2021. Umalis siya sa koponan noong Abril ng parehong taon, at bagamat may iilang kampanya kasama ang iba’t-ibang manlalaro, ngayon pa lang muli opisyal na sumapi ang Filipino-American sa isang organisasyon.

Bukod sa pagiging beterano sa larangan, muling nagpakilala si Ninjaboogie noong kanyang panahon sa Mineski. Parte siya ng koponang nag-uwi ng kauna-unahang Major championship title ng Southeast Asia matapos magtagumpay sa Dota 2 Asia Championships 2018.

Samantala, ipagpapatuloy niya naman ang kanyang karera ngayon sa ilalim ng Team SMG, na nagtapos sa ika-apat na puwesto noong unang tour ng DPC SEA.

Dota 2 roster ng Team SMG para sa DPC SEA 2021-2022 Tour 2 Division 1

  • (1) Yeik “MidOne” Nai Zheng
  • (2) Kam “Moon” Boon Seng
  • (3) Ryan “Raging-.-Potato” Jay Qui
  • (4) Tue “ah fu” Soon Chuan
  • (5) Michael “ninjaboogie” Ross Jr.

Bumabandera ngayon ang bagong roster ng Team SMG sa Beyond the Summit Pro Series Season 10: Southeast Asia, na gugulong hanggang sa ika-anim ng Marso.

Nakatakda namang magsimula ang ikalawang tour ng DPC SEA sa ika-16 ng Marso.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Inilahad ng Team Spirit ang kanilang Dota 2 patch 7.31 wish list