Nakatakdang ilabas ang Dota 2 patch 7.31 sa ika-23 ng Pebrero at ang mga fans ay naghahanda para sa mga nakakagulat na pagbabago.
Kahit ang The International 10 champion na Team Spirit ay hindi immune sa hype na dala ng darating na patch. Inilahad ng mga manlalaro at coach ang kanilang opinyon sa kasalukuyang patch at ang mga pagbabago na nais nilang makita sa Dota 2 patch 7.31.
Team Spirit ibinunyag ang mga gustong makita sa Dota 2 patch 7.31
Nais ni Collapse na ma-nerf si Weaver

Naniniwala si Team Spirit offlaner Magomed “Collapse” Khalilov na si Weaver ang “king of all trades” dahil sa kanyang versatility, scouting ability at Roshan-taking potential gamit ang The Swarm.
Iminungkahi ni Collapse na pahabain ang cooldown at pataasin ang mana cost ng Shukuchi para mabawasan ang survivability ng makulit na hero. Sinabi rin niya na dapat i-scale ang hit per level ng The Swarm tulad ng sa Phantom Embrace ni Grimstroke para mabawasan ang pagiging annoying nito sa lane.
Gusto ni Miposhka na mabawasan ang RNG sa Dota

Nais ni Team Spirit captain-hard support Yaroslav “Misposhka Naidenov na mabawasan ang randomness sa Dota 2.
Gusto niya na magkaroon ng notification system na magsasabi kung saang bahagi ng river lalabas ang power rune. Kapag nagkaroon nito, makakapaghanda ang mga koponan para sa isang posibleng game-changing rune tulad ng Double Damage.
Hiling din ni Miposhka na magkaroon ng neutral item na nagbibigay ng vision para magkaroon ng panandaliang high ground vision ang isang koponan. Dahil sa importansya ng vision, dapat mayroon itong drawbacks sapagkat maaaring maging isa sa pinakamagandang item ito sa laro.
Sa katunayan, mayroon nang ganito sa anyo ng Seer Stone ngunit lumalabas pa ito sa 60-minute mark dahil isa itong Tier 5 neutral item.
Nais ni Yatoro na ma-nerf ang lahat ng meta offlaner

Pagod na si Ilya “Yatoro” Mulyarchuk na matalo sa kanyang lane. Nanawagan ang hard carry ng Team Spirit na ma-neft ang bawat meta offlaner at ma-buff naman ang underutilized carry hero na si Juggernaut.
Nang tanungin kung sinu-sinong mga hero ang tingin niyang imbalanced, binanggit ni Yatoro sila Beastmaster, Outworld Destroyer, Slardar, Night Stalker, Mars, Underlord at Axe. Kaya naman napa-react si Collapse at ipinunto na gusto lang ni Yatoro na maging mas madali ang kanyang lane.
Idiniin ni Yatoro na walang sense na mas mahirap na sa safe lane ngayon kumpara sa offlane dahil sa lakas ng meta offlaners laban sa carries sa early game.
Gusto lang ni TORONTOTOKYO ng mas marami pang pagbabago

Hindi sasang-ayon sa inyo si Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek kung gugustuhin niyong dumali ang Dota 2.
Bagamat trip ng Team Spirit midlaner ang kasalukuyang patch lalo na ang terrain at items, naniniwala siya na dapat pang magkaroon ng maraming pagbabago. Magiging mas interesanteng pag-aralan ang mapa kung may babaguhin dito at mas maraming magagawang plano tungkol sa laro at pagkuha ng heroes kung mas maraming items.
Hiling ni Silent na magkaroon ng synergies tulad sa Auto Chess

Mayroong kakaibang ideya si Team Spirit coach Airat “Silent” Gaziet para ma-promote ang teamwork sa Dota 2.
Sinabi ni Silent na magiging cool ang ilang heroes tulad nila Clockwerk at Timbersaw kung makakakuha sila ng small perk kapag magkalapit sila. Pareho ito sa Synergies system sa Dota Auto Chess o Traits system sa Teamfight Tactics.
Mapapanood ang banter ng Team Spirit maging ang iba pang kakaibang ideya ng TI10 champs para sa paparating na Dota 2 patch 7.31 sa kanilang YouTube channel.
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.