Nakakalungkot malaman na isang koponan mula sa North America ang mawawala pagkatapos ng The International 2023.

Inanunsyo ng nouns na ang kanilang Dota 2 roster, na nagtamo ng top eight finish sa TI12 at lumampas sa mga inaasahan, ay nag-disband matapos ang torneo.

Walang ibinigay na dahilan para sa paglisan ng kanilang kasalukuyang roster, umaasa pa rin ang organisasyon na mananatili sila sa Dota, at hinihiling sa mga fans na abangan ang kanilang mga plano para sa 2024.



Nouns Dota 2 roster para sa TI12

nouns in the booth at The International 2023: From left to right in white jerseys: Moo, Lelis, Astini, and Gunnar
Credit: Valve
  • Héctor “K1” Rodríguez
  • Nicolas “Gunnar” Lopez
  • David “Moo” Hull
  • Rodrigo “Lelis” Santos
  • Luke “Yamsun” Wang
  • Filipe “Astini” Astini (coach)

Nagsimula ang noun sa Dota 2 noong Mayo 2022 matapos kunin ang 4Zoomers roster. Mabilis itong nakilala bilang isa sa tatlong pinakamahusay na koponan sa North America at nakapasok sa Last Chance Qualifiers sa TI11.

Sa taong ito, dumalo ang organisasyon sa kanilang unang Dota 2 Major nang sumali sila sa Bali Major, at nakuha ang unang pwesto sa TI12 Regional Qualifier matapos talunin ang iba pang mga koponang mula sa rehiyon. Mula roon, pumalo ang koponan sa Tundra Esports, isa sa mga paborito sa TI12, upang makapasok sa upper bracket. Ang kanilang pagkatalo laban sa Azure Ray at Gaimin Gladiators, at panalo kontra sa mga kalaban mula sa NA na TSM, ang dahilan ng kanilang pagtatapos sa ikawalong pwesto — ang pinakamataas na narating ng alinmang organisasyon mula sa North America.

Dahil sa pagkakabuwag ng Dota Pro Circuit, hindi pa malinaw kung paano ito makakaapekto sa kompetisyon sa loob ng rehiyon. Gayunpaman, tila umaasa pa rin ang organisasyon na makapagpatuloy sa Dota 2, at sana’y mas makakita tayo ng mas maraming representasyon mula sa North America sa internasyonal na entablado.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Top 10 plays sa mga nagdaang The International