Kung games played ang pag-uusapan, kakalagpas lang ng The International 10 sa 60% mark.
Nakabibilib kung iisipin kung gaano karaming Dota games ang nilaro sa loob lang ng tatlong araw, at kung paano nagbago ang pananaw ng publiko sa players, teams, at heroes.
Lahat ng mga koponan ay may natitira na lamang na isa o dalawang series sa ikatlong araw ng TI10 Group Stage — at posible rin na magkaroon ng tiebreakers. Pagkatapos nito, babagal ang takbo ng palaro at ang bawat matchup ay magiging delayado.
Magandang pagkakataon ito para tignan kung paano nga ba nag-evolve ang metagame.
TI10 Group Stage hero picks
Tatlong heroes ang nangibabaw sa picks at bans sa ikatlong araw ng TI10 Group Stage, ito ay sina Monkey King (98.33 pick/ban rate), Io (95.83%), at Tiny (95.0%). Malaki ang agwat ng mga ito sa mga susunod na hero, gaya nina Invoker at Tidehunter (na parehong may 75.5% pick/ban rate).
Sina Earthshaker, Elder Titan, at Snapfire ang most picked heroes — na lumalabas sa one-third ng mga games so far.
Ang nakakatakot ay sa mga hero na na-pick nang 20 o higit pang beses sa turneo, sina Monkey King at Tiny ay parehong lumalabas sa lima sa pinaka-successful na heroes. May 60.7% win rate ang nasabing Agility hero habang 58.8% naman ang win rate ng Strength hero.
Interesting makita na ang mga most picked hero ay ang mga most winning hero din. Kadalasan kasi, ang mga flexible heroes na ‘to ay hudyat ng balanseng patch na malapit sa (o mas mababa pa) sa 50%.
Palpak naman ang performance ni Gyrocopter ngayon na may 4-13 record, kung saan ang 3-9 ay nilaro kasama si Io. Medyo weird makita ang iconic duo na ito na hindi gumagana lalo na sa TI.

Kasalukuyan sa ikatlong araw ng TI10 Group Stage, 107 heroes na ang na-pick at 95 naman ang na-ban. Ibig sabihin, may 12 heroes na lang ang na-e-etsa-puwera pa.
Lahat sa mga hero na natira ay na-pick sa kabuuan ng 7.30 patch, pwera na lang kay Lone Druid at Meepo.
Pero hindi nangangahulugang lalabas sila sa picks dahil pinababa ng sunod-sunod na balance patches ang kanilang value. Dahil araw-araw na rin magkakaroon ng teams na ma-e-eliminate, hindi masamang asahin ang mas kaunting unique heroes na mapi-pick, pero gaya ng mga nagdaang TI, hindi nawawalan ng pasabog ang bawat team.
Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.