Importante ang indivudal skill sa laro gaya ng Dota 2, pero ang kakayahan na makagalaw bilang isang unit ay ‘di matatawaran. Bagamat maraming kuwentong nabubuo tungkol sa individual player, mas nagtatagal pa rin ang teamwork.
Silipin natin ang lima sa pinakamatagal na Chinese duo sa kasaysayan ng professional Dota 2.
5. Xu “fy” Linsen at Lu “Somnus” Yao (aka Maybe) – 919 games

Tatlong taong, simula noong Setyembre 2017 hanggang Setyembre 2020, naging powerhouse pair ng LGD sina fy at Somnus. Maraming kampeonato ang naselyo ng dalawang ‘to, pwera na lang sa Aegis of Champions matapos nilang magtapos sa ika-apat, ikalawa, at ikatlong puwesto sa The International noong mga nabanggit na taon.
Galing si fy sa Vici gaming kung saan siya nahasa bilang playmaking support. Nagpatuloy ito sa LGD, kung saan natulungan niya si Somnus na maipanalo ang mga mahihirap na matchups sa midlane. Sa 57 unique heroes played, ‘di rin maipagkakaila na malawak ang hero pool ni Somnus noon.
Nanatiling magkasama ang dalawa sa Elephant, ngunit hindi naging matagumpay ang kanilang kampanya matapos ang joint-13th place finish sa TI10. Nagdesisyon si fy na magpahinga muna, habang lumipat naman sa Royal Never Give Up si Somnus.
Kung bumalik si Fy sa pro Dota 2 scene, walang duda na isa pa rin si Somnus sa pinakamalupit na kakampi.
4. Xy “fy” Linsen” at Lu “Fenrir” Chao – 933 games

Kilala ang dalawang ‘to bilang ang unang tanyag na Chinese duo habang nasa Vici Gaming pa simula, simula noong matapos ang TI2.
Ang tanging support duo sa listahang ito, sina fy at Fenrir ay nakapagtapos sa ikalawang puwesto noong TI4, ika-apat na puwesto noong TI5, at joint-13th place noong TI6. Umalis sa EHOME si Fenrir para tapusin ang 2015/2016 season, pero muling nagsama ang dalawa sa Team VGJ para muling sumabak sa TI, ngunit nabigo sila sa qualifiers.
Dahil sa lawak ng hero pool ng dalawa, naging sobrang diverse din ang draft ng mga koponang kanilang napaglalaruan. Madali lang nabubuksan ng VG ang draft at makapag-adapt sa kung ano mang ibato ng kalaban. Pero ‘pag sa Rubick, syempre fy pa rin.
Habang magkampi sila, nalaro ni fy si Rubick ng 134 beses. Dahil dito, kinikilala siya bilang isa sa pinakamagaling na Rubick player, kahit pa mas mataas ang win rate ni Fenrir na 72.2 percent (13-5 W-L).
3. Faith at Moogy (aka uuu9) – 952 games

Malamang ay ‘di na natin makita ang Chinese duo na ‘to sa competitive stage matapos nilang ma-ban mula sa Perfect World at Valve events noong Enero 2021 dahil sa match-fixing sa DPL-CDA games.
Sala sa init, sala sa lamig ang partnership ng dalawang ‘to. Nauna silang maglaro sa Tongfu, pero magkaiba ang kanilang pinanggalingan. Nanalo na kasi si Faith noon sa TI2, matapos ang matagal-tagal na kampanya sa ilalim ng IG at saglit din sa LGD. Si Moogy naman ay pausbong pa lamang noon at kinuha ng WanZhou development squad ng Tongfu. Lumipat ang dalawa sa Newbee pagkatapos ng TI6, at sa ilalim ng organisasyon din sila nakapag-second place sa TI7 at joint-13th naman noong TI8.
Pagkatapos ng TI8, naghiwalay na ang 579-game nilang koponan. Naging inactive si Moogy habang nagpalipat-lipat naman sa iba’t-ibang koponan si Faith bago bumalik sa Newbee (pati na rin si Moogy) noong Setyembre 2019.
2. Faith_bian at y (aka Innocence) – 1314 games

Simula pa 2014 at naglalaro na ang Chinese duo na ‘to. Tuluyan silang sumikat noong 2016 sa ilalim ng Wings Gaming matapos manalo sa ESL One Manila, TI6 Chinese qualifiers, The Summit 5, at syempre, TI6.
Kilala sina Faith_bian at y sa kakaiba at anti-meta nilang paraan ng paglalaro. Madalas silang mag-draft ng hero na ‘di akma sa kalasukuyang meta at bumuo ng mga items na ‘di pangkaraniwan sa mga napili nilang hero.
Pagkatapos sa Wings, naging Team Random sila sa loob ng isang buwan. Lumipat din ang dalawa sa EHOME noong 2017 at naglaro doon hanggang 2020. Sumabak muna bilang support si Faith_bian noon bago lumipat ulit sa offlane.
Sa simula ng 2020/2021 season, sumali ang dalawa sa PSG.LGD at kinilala muli bilang ang mga pinakamalalakas sa buong mundo. Bigo nga lang silang maselyo ang ikalawang Aegis matapos matalo sa Team Spirit noong TI10.
1. Xxs at Borax (aka Boboka) – 1409 games

Ang pinakanagtagal na Chinese duo sa kasaysayan ng rehiyon ay isa ring support at offlaner pair. Halos buong karera nila ay magkasama nang naglalaro ang dalawa sa ilalim ng iisang koponan.
Nagkakilala sina Xxs at Borax sa DK Scuderia noong Oktubre 2015, pero sinara rin ‘to agad ng DK organization matapos ang ilang linggo. Inampon sila ng IG Vitality noong Disyembre 2015, hanggang sa ma-promote sila sa main squad ng Invictus Gaming matapos ang tatlong buwan. Dito, nanatili ang dalawa sa loob ng dalawa at kalahating taon para manalo sa Dota Asia Championships 2017, joint-third sa The Kiev Major, at joint-fifth sa TI7.
Pagkatapos mabigo noong TI8 kung saan na-eliminate sila sa group stage, umalis ang pares sa IG para buuin ang Team Aster, na tinayo kasama ng dati nilang teammate na si Xu “BurNIng” Zhilei (may 327 pro games ang pares kasama si BurNIng).
Maraming naging kampanya ang Aster pero hindi ganoong karami ang kanilang napagtagumpayan. Tinamaan pa nga ng COVID-19 ang midlaner nilang si Liu “White丶Album” Yuhao ilang araw bago ang TI10.
Gayunpaman, magkasama pa ring naglalaro sa ilalim ng isang koponan sina Xxs at Borax. Sa oras ng paglathala, 45 games na lang at malalagpasan na nila sina N0tail at Fly (1454 games) para maging ang pinaka-experienced na pares sa kasaysayan ng professional Dota 2.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: 18 games na ang win streak ng Bane ni y matapos ang 80-minute comeback ng PSG.LGD vs RNG