Bigong makalaro sa unang araw ng The International 10 Group Stage si Liu “White丶Album_白学家” Yuhao dahil ito ay nagpapagaling sa COVID.

Sa kabila nito, nagbalik pa rin sa koponan ang naturang midlaner ng mga sumunod na araw para matulungan itong iselyo ang kanilang spot sa main event ng pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon.

White丶Album_白学家 sinalba ang Team Aster habang nagpapagaling sa COVID

White丶Album_白学家 sinalba ang Team Aster habang nagpapagaling sa COVID
Credit: ONE Esports

Bigong mag-iwan ng marka ang Team Aster sa unang araw ng TI10 Group Stages. Binalagbag sila ng Evil Geniuses at Team Undying habang naglalaro bilang stand-in ang kanilang coach na si Chen “86” Yuxuan para kay White丶Album_白学家.

Pagbalik ng manlalaro noong ikalawang araw ng group stages, kahit bahagya niya lang magalaw ang kanyang mouse, bakas ang improvement sa resulta ng Team Aster.

Winalis nila ang OG sa kanilang best-of-two serye, habang tinabla naman nila ang bakbakan nila kontra Alliance.

Team Aster, tinapos ang tatlong taong winstreak ng OG sa The International

Bukod sa pagselyo ng una nilang panalo sa TI10, may isa pang dahilan kung bakit makabuluhan ang tagumpay ng Team Aster laban sa OG.

Ang pagwawalis kasi ng pambato ng China ang unang beses na natalo ang defending champions sa isang serye sa TI simula noong 2018, kung kelan na-2-0 rin sila ng Evil Geniuses sa group stages.

Credit: OG

Ang pagputol ng Team Aster sa 23-match winstreak ng OG ay patunay sa husay ng koponan, lalo na sa tulong ni White丶Album_白学家.

Binati pa nga ng OG ang Chinese team sa kanilang tagumpay at sa patuloy nilang paglaban ano mang pagsubok ang pagdaanan.

Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: OG nagpasiklab para buksan ang TI10