Naging susi ang Bane ni Zhang “y`” Yiping sa 80-minute comeback victory ng PSG.LGD kontra Royal Never Give Up sa Division I ng Dota Pro Circuit China 2021-2022 Tour I.

Dahil dito, umangat na sa 18 games ang winstreak ng Bane ni y na nagsimula sa OGA Dota PIT Season 3: China, isang online tournament na ginanap noong Oktubre 2020 pa.

Bane ni y, susi sa panalo ng PSG.LGD kontra RNG

Credit: Valve

Sa isang panayam sa offlaner ng PSG.LGD na si Zhang “Faith_bian” Ruida, ibinahagi niya na ang koponang pinalalakas ni Lu “Somnus丶M” Yao ang inaabangan nilang makaharap sa DPC CN dahil sa tingin nila ay ang RNG ang ‘best team’.

Bane ni y, susi sa panalo ng PSG.LGD kontra RNG
Credit: Valve

Hindi naman nabigong magpakitang-gilas ang dalawang koponan nang magharap na ang mga ito sa wakas. Tampok kasi sa ikalawang mapa ng best-of-three ang makapigil-hiningang paggapang ng PSG.LGD mula sa higit 30,000 pagkakatambak sa networth sa loob ng 80 minuto.

Bagamat nahirapang maka-high ground ang RNG dahil sa Venomancer ni Faith_bian, naging malaking problema para sa PSG.LGD ang tuluyang pagselyo sa panalo dahil sa Faceless Void ni Zhong “God King” Liushuai. Nakasalalay kasi sa Luna ni Wang “Ame” Chunyu ang lakas nilang mag-push pero tiyak na nalulusaw ito sa tuwing nahuhuli sa loob ng Chronosphere.

Dito pumasok ang Bane ni y. Isa sa mga play na nagpatibay sa tyansa ng kanyang koponan ay naganap noong ika-59 minuto ng bakbakan matapos niyang maagaw ang Aegis, Cheese, at Aghanim’s Blessing na nalaglag ni Roshan. Muntikan pa nga niya mapatay ang Faceless Void.

Naging mabisang pangsalba din sa mga nala-lockdown ng Chronosphere ang Nightmare at ang Book of Shadows, isang Tier 5 netural Item na ginagawang untargettable ang sino mang i-target, pati na rin ang Windwalker na binuo ng Venomancer at Level 25 talent ng Tusk ni Zhao “XinQ” Zixing na +12% Chance Walrus Punch.

Ilang sandali bago ang bakbakang ito, tuluyan nang naubos ng PSG.LGD ang kakayahan ng RNG na madepensahan ang natitira nilang tore para maselyo ang 2-0 panalo.

Nagtala ng limang kills, 22 assists, at ‘di mabilang na crucial saves ang Bane ni y kontra sa 11 deaths. Samantala, nagdulot naman ang Venomancer ni Faith_bian ng higit 213,000 damage sa mga hero ng RNG.


Kontra Invictus Gaming na lang ang natitirang laban ng PSG.LGD para tuluyan nilang mawalis ang Division I ng DPC CN 2021-2022 Tour 1. Nakatakdang ganapin ang kanilang bakbakan sa Linggo, ika-23 ng Enero.

Masusubaybayan ang huling araw ng DPC CN sa opisyal na Twitch channel ng Perfect World.