Naghayag ng saloobin kamakailan si Peter “ppd” Dager, ang dating kapitan ng Evil Geniuses na nagwagi noong The International 2015, tungkol sa lagay ng North American Dota 2 scene.
Sa isang tweet, inihayag niyang mas ‘cool’ daw sana kung NA players ang mga naglalaro para sa rehiyon sa mga international tournaments, kesa raw mga players mula sa ibang bansa para sa mas madaling oportunidad na maka-attend sa international tournaments.
Marahil nanggagaling si ppd sa kaso ng NA noong The International 10, kung saan sa tatlong koponan—Evil Geniuses, Quincy Crew, at Team Undying—ang nagrepresenta sa rehiyon, anim mula sa 15 manlalaro lang ang tubong America.
Para kay ppd, hindi raw nakaka-inspire para sa mga NA players ang imported rosters

Quincy Crew lang sana ang tanging NA team noong TI10 na tatlo sa limang members ay galing sa rehiyon.
Pero dahil sa roster shuffle, si Quinn “Quinn” Callahan na lang ang natirang player sa koponan na mula North America.
Sa reply ni Gabriel “Lyrical” Cruz sa naunang tweet ni ppd, tinanong ng Dota 2 caster kung hindi ba nareresolba ng pagdayo ng mga ibang player ang maliit na high-MMR player base ng NA, bagay na madalas daw ireklamo ng mga manlalaro.
Pero sagot ni ppd, hindi raw nakaka-inspire para sa mga up-and-coming players ng NA ang mga roster na may higit tatlong imports.
“I don’t think any roster of more than three imports will inspire up and coming NA gamers to choose Dota over other options,” saad niya.
Dagdag niya, ” “I could see this inspiring players from other regions to pick up the game since they can move to NA to avoid competition.”
Mababasa ang buong diskusyon sa tweet ni ppd dito.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akdang matatagpuan dito.