Ipinakilala na ng OB.Neon ang kumpletong roster nila para sa susunod na season ng Dota Pro Circuit at tampok dito ang isa sa mga manlalarong nagkampeon noong The International 2012 na si Wong Hock “ChuaN” Chuan bilang coach.

Pinunan ng mga Southeast Asian talents ang bagong roster ng koponan matapos ang pag-alis nina Andrei “skem” Ong at Erin Jasper “Yopaj” Ferrer para sa BOOM Esports.

Matatandaang malaki ang naging ambag ng dalawang manlalaro sa kampanya ng OB.Neon sa ONE Esports Singapore Major 2021, kung saan nagtapos sila sa 5th-6th place.


Ang bagong roster ng OB.Neon

Ang bagong roster ng OB.Neon
Credit: OB.Neon

Kinuha ng OB.Neon ang Monogolian superstar na si Ravdan “Hustla” Narmandakh pati na rin ang Indonesian duo ng Army Geniuses na sina Yukatheo “you_K” Glen at Tri Daya “Mamang Daya” Pamungkas.

Bukod sa mga ito, pasok din ang dalawang Filipino players na sina Jinn Marrey “Palos” Lamatao at Michael Roi “Enryu” Ladines, at sixth-man na si Jaunuel “Jaunuel” Arcilla.

  • (1) Jinn Marrey “Palos” Lamatao
  • (2) Tri Daya “Mamang Daya” Pamungkas
  • (3) Michael Roi “Enryu” Ladines
  • (4) Ravdan “Hustla” Narmandakh
  • (5) Yukatheo ‘you_K’ Glen
  • (6) Jaunuel “Jaunuel” Arcilla (substitute)

OB.Neon sasabak sa DPC 2022 kasama si Chuan bilang coach

OB.Neon sasabak sa DPC 2022 kasama si Chuan bilang coach
Credit: ESL

Si ChuaN ang kauna-unahang Southeast Asian player na nakapag-angat ng Aegis of Champions. Ang Malaysian player ay isa sa mga manlalaro ng Invcitus Gaming na nanalo kontra Natus Vincere noong TI2.

Sa pagbabalik-aksyon ni ChuaN bilang coach, inaasahan ng OB.Neon na makatutulong ang karanasahan niya sa matatamasang tagumpay ng koponan.

“We expect his experience and dedication to his new role will be instrumental in our future success,” batid ng organisasyon.


Matatagpuan ang opisyal na anunsyo ng OB.Neon ukol sa kanilang bagong roster dito.

BASAHIN: Si Spirit Breaker lang ang hero na hindi pinili sa TI10—bakit?